Bitter pa rin: Joey de Leon, may patutsada na naman sa Eat Bulaga!

Dalawang linggo matapos ang matagumpay na pagkaka-renew sa "Eat Bulaga!" trademark ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE), muli na namang inatake ng beteranong host na si Joey de Leon ang programang dati n'yang kinabibilangan.

Noong August 5, may cryptic post si Joey de Leon sa social media na halatang pinapatamaan ang TAPE na dati nilang employer.

Ani Joey, "Sa kanila ang renewal, sa amin ang numeral."

Marahil ang "numeral" na tinutukoy ni Joey ay ang paglamang ng kanilang programa sa ratings na noong Biyernes ay lamang ng 1.2% laban sa Eat Bulaga.

Nakapagtala kasi ng 5.0% na ratings ang E.A.T. noong August 4, samantalang 3.8% naman ang nakuha ng Eat Bulaga at 3.2% naman ang It's Showtime.

Noong August 10 naman, nag-post siya ng isang pahayag na nagpapahiwatig tungkol sa isang "fake," na agad namang nanganak ng mga ispekulasyon tungkol sa kung ano ang kaniyang tinutukoy.

Saad niya sa kanyang X post, "Napapanahong kasabihan: "FAKE EAT AND LIVE EAT!""

Kinabukasan naman, August 11, muli na namang nag-post si De Leon sa kanyang X account.

"B O is Be Original. Kapag dalawa na kayo, eh di B O B O na yung isa! Ngek!," hirit n'ya.

Nagsunud-sunod pa ang ang pagpaparinig ng beteranong host sa social media at ang pinakahuli ay ngayong gabi lang.

Ginamit naman n'yang sentro ng kanyang joke ang sikat na segment ng Eat Bulaga ngayon, ang "G sa Gedli" na hinohost ni Isko Moreno at Buboy Villar.

Saad ni Joey, "G na Gitle (Genuine na Legit) Dehins Gedtali (Hindi Tagilid)"


Comments