Mga bawal gawin tuwing Ghost Month ayon sa mga pamahiin

Simula na ang Hungry Ghost Month.

Ito ang ikapitong buwan sa Chinese lunar calendar kung saan ang Lagusan ng Impyerno ay bumubukas at ang mga kaluluwa sa kabilang buhay ay malayang nakakagala sa mundo ng mga buhay sa loob ng isang buong buwan.

Sa taong 2023, ito ay nagsimula ng August 16 at matatapos ng September 14. Ang Hungry Ghost Festival naman sa Singapore ay natapat ng August 30 (Wednesday) ngayong taon.

Narito ang mga bawal gawin tuwing Hungry Ghost month.

1. Bawal ang hawakan, tapakan, o guluhin ang mga alay sa kalsada.

Kapag may nakita kang mga alay sa kalsada habang naglalakad ka, huwag na huwag mo itong gagalawin. Lalo na kapag nakaayos ito na parang altar.

Ang mga ito ay nakalaan para sa mga kaluluwang gumagala sa mundo nating mga nabubuhay. Kung aksidente mo itong natapakan o nagulo, siguraduhing humingi ng tawag o kung hindi mo ito magawa ay baka may sumunod sa iyo pag-uwi mo ng bahay.

2. Bawal magpagabi.

Sinasabing sa gabi pinakamalakas ang mga kaluluwa dahil ang yin energy na mula sa buwan ang nagbibigay sa kanila ng spiritual powers. Mataas ang tsansang "makabangga" ka ng gumagalang kaluluwa sa gabi.

Ang mga bata at buntis ay kadalasang binabalaan na manatili na lang sa bahay dahil naa-attract ang mga kaluluwa sa mga bata at bata sa loob ng sinapupunan.

Children and pregnant people are often warned against staying out late alone during this month because spirits are attracted to young kids and fetuses.

3. Iwasan ang swimming kapag nasa bakasyon sa ibang bansa.

Hangga't maaari, huwag magsu-swimming kapag nasa ibang bansa tuwing Ghost Month.

Sinasabing ang mga vengeful spirits na nasa tubig ay naghahanap ng kanilang "kapalit" sa kanilang pwesto, para ma-reincarnate sila.

4. Bawal pumatay ng mariposa, paru-paro, o tipaklong, lalo na kapag nasa loob ng bahay. (Baka lola mo 'yan!)

Madalas na sinasabi na ang mga insektong ito ay ang ating mga ninuno na dumadalaw.

Gustuhin man nating puksain ang mga pesteng ito, magpakita na lang ng awa at pakawalan ang mga ito sa labas.

5. Bawal isaksak ang chopsticks sa iyong rice bowl.

Bawal na bawal sa pamahiin ng mga Chinese ang pagtirik ng chopstick sa iyong mangkok na may kanin, hindi lang tuwing Ghost Month kundi buong taon.

Dahil maaaring may mga gumagalang ispiritu na maaaring mapagkamalan ang iyong mangkok na alay para sa kanila. At maaaring hindi sila maawa sa'yo kapag nakita ka nilang kinakain mo ang alay para sa kanila.

6. Bawal mag-nail polish ng itim.

Iwasan mo munang gumamit ng itim na manicure ngayong buwan.

Sinasabi kasing ang mga patay ay may itim na kuko at kapag kinulayan mo ng itim ang iyong kuko, maaaring mapagkamalan ka nilang kabilang sa kanila.

7. Bawal lumipat sa bagong bahay o bumili ng bagong furniture.

Huwag na huwag kang lilipat sa bagong bahay, magpaayos ng bahay, at bumili ng mga furniture dahil baka may sumamang kaluluwa sa pag-aakalang "iniimbitahan" mo sila sa iyong bahay.

8. Huwag pansinin ang mga kakaibang tunog sa paligid gaya ng bulong o iyak, o mga kakaibang amoy.

Simple lang ito. Kapag may kakaiba sa paligid, huwag ka nang magtangkang hanapin kung saan ito galing. Lalo na kapag nangyari ito sa gabi o kapag mag-isa ka lang.

9. Huwag mangausap ng hindi mo nakikita kapag nakaramdam ka ng paglamig ng paligid.

Sa halip ay maging kalmado ka lang at ipagpatuloy mo ang pagpunta sa iyong pupuntahan. Sabi nga ng mga matatanda, "if you leave them alone and pretend nothing's wrong, they'll leave you alone."

10. Huwag kang sasagot kapag may tumapik o tumawag sa pangalan mo mula sa iyong likuran.

Ito ang pinakabawal sa lahat. Huwag kang sasagot kapag may tumatawag sa iyo na kakilala mo.

May mga kaluluwa kasing nanggagaya ng boses ng mga mahal natin sa buhay para linlangin ka at magpakita sa'yo. May mga kuwento na may mga tao umanong bigla na lang nawala o kaya ay bigla na lang nagkasakit matapos maka-engkwentro ng kaluluwa.

May nakalimutan ba kaming banggitin? Ipaalam sa amin sa comments section.

Mag-ingat ngayong Hungry Ghost Month, mga Kaburyong!

Comments