Mukhang matagal pa bago tumigil si E.A.T. host Joey de Leon sa pagpapatutsada sa dati nitong employer na Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at sa programa nitong "Eat Bulaga!" na dati niyang kinabibilangan.
Sa sunud-sunod na cryptic at nakaka-intrigang social media posts, ibinahagi ni De Leon ang kaniyang mga naiisip at saloobin, na patuloy na nangti-trigger ng mga netizen.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng TAPE na ang karapatan nito sa titulo at trademark na "Eat Bulaga!" ay na-renew for another ten years ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).
Ang tagumpay na ito ng TAPE ay nangyari matapos magdesisyon ang mga original host, sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na iwan ang longest-running noontime show in the world.
Sa kabila ng pangyayaring ito, nanatiling aktibo si De Leon sa social media upang ipahayag ang kaniyang mga opinyon na madalas ay pahapyaw pero obvious na may pinariringgan.
Nito lang August 10, nag-post siya ng isang pahayag na nagpapahiwatig tungkol sa isang "fake," na agad namang nanganak ng mga ispekulasyon tungkol sa kung ano ang kaniyang tinutukoy.
Nang sumunod na araw, nagpatuloy sya sa kaniyang sunud-sunod na mga misteryosong post, sa pagkakataong ito ay nagpapahiwatig ng konsepto ng pagiging "original."Dahil sa mga post na ito ni De Leon, nagtalu-talo ang mga netizen at mga tagahanga, kung saan marami ang sumusubok malaman ang nais ipahiwatig ng 76-year old TV host na naiuugnay naman sa patuloy na alitan sa pagitan ng TAPE at ng mga dating "Eat Bulaga!" host.Noong August 12 naman, inalala ni De Leon ang kaniyang papel sa pagpapangalan sa palabas na "Eat Bulaga!" noong 1979, at ibinahagi ang matagal nang kasaysayan nito.
Ang pinaka-latest nyang post sa X ay noong August 13, kalakip ang group photo ng "E.A.T." hosts na may cryptic na caption.Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin dahil sa isang panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) noong 2012 ay aminado si De Leon na hindi nila maaaring ilipat ang "Eat Bulaga!" sa TV5 dahil aniya ay hindi naman sila ang producers ng show.
Nakaabang ang netizens sa patuloy na mga patutsada ni De Leon na nakakapagpadagdag ng intriga sa kasalukuyang sagupaan ng TAPE at TVJ na para nang isang soap opera.
Comments
Post a Comment