'Shining Inheritance,' magkakaroon ng Philippine adaptation!

Kumpirmado na magkakaroon ng Pinoy version ang 2009 South Korean hit series na "Brilliant Legacy" o mas kilalang "Shining Inheritance" dito sa Pilipinas.

Unang ipinalabas ang Korean drama sa Pilipinas noong August 31, 2009 sa GMA Telebabad.

Bagamat katapat nito ang "Boys Over Flowers" na ipinapalabas noon sa ABS-CBN na grabe din ang hype, consistent na nakakuha ng mas mataas na ratings ang "Shining Inheritance" ayon sa Mega Manila Household ratings ng Nielsen Philippines.

Matagal nang nire-request ng mga televiewer na magkaroon ito ng Philippine adaptation, simula pa noong una itong umere sa GMA noong 2009.

Late 2000s to early 2010s kasi ang panahon na nauso ang mga remake kaya kahit kapapalabas pa lang ay gusto na kaagad makita ng viewers na gumaganap sa paborito nilang foreign drama series ang mga paborito nilang artista.

Sa ngayon, ang kumpirmado pa lang ay isa nga ito sa mga gagawin ng GMA, at sa afternoon slot ito ilalagay.

Lumulutang rin ang pangalan nina Kyline Alcantara, Michael Sager, at Kate Valdez na bibida sa remake pero hindi pa ito final.

Bisitahin ang ating website, boredlisted.com, para sa mga update tungkol sa Pinoy adaptation ng "Shining Inheritance."

Comments