Matapos umere ang huling live episode ng Kapuso noontime show na "Tahanang Pinakamasaya" noong March 2, marami ang lumabas na balita tungkol sa mga possible na papalit dito.
Pansamantala ngayong umeere sa naiwang timeslot ng TP ang Lunchtime Movie Hits kung saan pinapalabas ang ilan sa mga blockbuster Filipino movies.
May mga lumabas ding fake news na nag-alsa balutan na rin daw ang TAPE Inc. sa kanilang headquarters sa Xavierville Avenue sa Quezon City.
Tinanong namin ang taga-TAPE kung totoo ang kumalat na isyung ito at ang sagot lang nila ay "Hindi. Galing ako doon kahapon. Nag-meeting kami."
Tinanong din namin kung tungkol saan ang napag-usapan sa meeting. Kasama ba rito ang ipapalit nila sa Tahanang Pinakamasaya?
Maiksi lang ang tugon sa amin at tila wala pa sa ngayon ang balak na gumastos para sa panibagong noontime show.
"Ah, sa mga employees and cases" daw ang mga napag-meetingan sa loob ng TAPE Inc office.
Tinanong na rin namin ang panig ng taga-GMA kung may inihahanda na ang Kapuso Network na permanenteng papalit sa noontime show ng TAPE.
Kuwento ng aming source, "meron na pamalit na good for the interest of GMA tapos makakatulong pa sa nang-aapi sa amin na istasyon dati. Char!"
Hindi naman maikakaila na ilang dekada rin ang naging network war sa pagitan ng GMA at ABS-CBN.
Kaya mukhang tuluy na tuloy na nga ang pagiging full-fledged Kapuso ng noontime show na "It's Showtime!"
Sa TAPE naman, sana ay makabalik pa rin sila in the near future. Kahit blocktimer ng afternoon o primetime drama series, para patuloy pa rin silang makapagbigay ng trabaho sa mga loyal employees nila.
Comments
Post a Comment