Mabilis na kumalat sa social media ang umano'y pagmumura ni Wally Bayola sa E.A.T. live on national television.
Ang E.A.T. ang bagong noontime show ng TV5 na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at mga kapwa nila Dabarkads.
Matatandaan na nag-resign ang magkapatid na Sotto at si De Leon sa Eat Bulaga! ng TAPE noong May 31 ng taong ito.
Sunud-sunod ang mga kontrobersiya sa programa dahil sa maraming beses na pagpaparinig nina Tito at Joey sa mga katapat na noontime show, lalo na sa dati nilang programang kinabibilangan.
ALSO READ: Bitter pa rin? Joey de Leon, may patutsada sa 'Eat Bulaga!' hosts?
Samantala, hindi pa malinaw kung si Wally nga ang nagmura pero sinita naman kaagad ng kaniyang co-host.
Sa pag-alis kasi ni Wally sa screen, maririnig na may sumigaw na "Tanggalin mo! P*tang ina!"
Ang episode kahapon ng E.A.T. ang ni-replay sa Buko channel, imbes na episode kanina.
Sa ngayon ay burado na ang bahagi ng livestream sa Facebook page at YouTube channel ng TVJ ngayong araw, August 10, pero marami ang nakapag-video ng mismong bahagi na may narinig na nagmura.
Comments
Post a Comment