Bitter pa rin: Joey de Leon, may patutsada sa 'Eat Bulaga' hosts?

Matapos ang matagumpay na trademark renewal ng Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) para sa pangalang "Eat Bulaga!," sunud-sunod ang mga patutsada sa TAPE ng mga host mula sa kalabang programa sa TV5.

Noong Sabado, August 5, may cryptic post si Joey de Leon sa social media na halatang pinapatamaan ang TAPE na dati nilang employer.

Ani Joey, "Sa kanila ang renewal, sa amin ang numeral."

Marahil ang "numeral" na tinutukoy ni Joey ay ang paglamang ng kanilang programa sa ratings na noong Biyernes ay lamang ng 1.2% laban sa Eat Bulaga.

Nakapagtala kasi ng 5.0% na ratings ang E.A.T. noong August 4, samantalang 3.8% naman ang nakuha ng Eat Bulaga at 3.2% naman ang It's Showtime.

Hindi naman nagpahuli ang co-host ni Joey sa Kapatid noontime show na si Tito Sotto.

Banat naman ni Tito, "Magsawa sila sa trademark basta amin ang copyright."

Malawak ang sakop ng copyright. Sa U.S., ang copyright ay nahahati sa limang kategorya: literary works (TX), visual arts works (VA), performing arts works including motion pictures (PA), sound recordings (SR), at single serials (SE).

Sa television and movie productions, mahigpit ang U.S. pagdating sa copyright kaya ang bawat nilalaman ng iyong akda ay dapat iparehistro sa kanilang Intellectual Property Office.

Halos kapareho lang ng Intellectual Property Code ng Pilipinas ang batas ng copyright sa U.S.

Katulad sa Pilipinas, a work in the U.S. is under copyright protection the moment it is created. Inirerekomenda nga lang nila na ipa-rehistro mo ang iyong copyright para may katibayan na ikaw nga ang nagmamay-ari ng isang likha.

Hirit ni Joey sa mga Eat Bulaga host

Samantala, muli na namang nagparinig si Joey sa katapat na programa.

"Napakabait nitong si Mayor. Magalang sa matanda, hindi inaalisan ng mic. Napakagalang," sabi ni Joey.

Matatandaan na nag-viral kamakailan ang segment ng Eat Bulaga na "G sa Gedli" dahil may isang matanda na binigyan ng papremyo ng TAPE Inc. pero ang mga dating hosts ang napasalamatan.

Hindi ata aware si lola na iba na ang mga host ng longest running noontime show, kaya't nabanggit ang mga dating host na matagal nakita sa noontime show ng GMA-7.

Alisto naman ang Eat Bulaga host na si Buboy Villar na inalis ang mic sa matandang papaalis na, pero hindi ito nagustuhan ng loyal TVJ fans. Sina Buboy at Isko "Yorme" Moreno ang mga host ng "G sa Gedli" segment ng Eat Bulaga.

Hirit pa ni Joey, "'Yan ang huwaran na mayor. Walang sinabi 'yung ibang mayor."

Ang dating mayor nga kaya ng Maynila na si Isko ang pinaringgan dito ni Joey?

Bakit si Yorme ang inaatake n'ya gayong si Buboy naman ang nag-alis ng mikropono?

Bakit "Mayor" ang bagong karakter nila sa segment nila na kamukha ng "All for Juan, Juan for All" ng Eat Bulaga?

Matatandaan na noong unang araw ni Isko sa Eat Bulaga noong June 10, 2023, binanggit niya na nag-text siya sa TVJ at nagpaalam.

Ayon kay Isko, bago niya tinanggap ang proyekto ay nagpaabot daw siya ng mensahe sa TVJ kahit hindi naman niya kailangang magpaalam.

"Hindi naman, nagpaabiso naman ako in advance as a matter of respect, through a common friend," lahat niya.

Comments