Tila na-immune na ang netizens sa mga patutsada ng beteranong host kaya naman hindi na gaanong pinapansin ng mga tao ang kanyang mga "umay-pahaging."
Sa ngayon ay hati na ang opinyon ng mga tao tungkol sa kung sino nga ba ang may karapatan sa trademark ng "Eat Bulaga" lalo pa't natanggap na ng TAPE ang Certificate of Renewal of Registration para sa "Eat Bulaga" trademark and logos.
Unti-unti ring nadadagdagan ang followers ng official Facebook page ng TAPE Inc. na sa ngayon ay 165K na.
Maging sa ratings ay palaban na rin ang "tahanang pinakamasaya" na Eat Bulaga. Ayon sa pinakahuling datos mula sa NUTAM People Ratings ng Nielsen Philippines nitong August 21, nakapagtala ang Kapuso noontime show ng 3.9% na halos hindi na nalalayo sa ratings ng "E.A.T." na 5.0%.
Nangangahulugan lang ito na marami pa rin ang pinipiling panoorin ang "Eat Bulaga" sa GMA-7 kahit nagsilayasan ang mga dating host nito at gumawa na ng bago nilang show sa TV5.
Samantala, nag-viral kahapon ang isang video clip ni Yorme kung saan sumagot sya sa sunud-sunod na patutsada laban sa kanya at sa Eat Bulaga ng TAPE.
Maiksi pero malaman ang binitawan ni Yorme.
Binanggit kasi ni Yorme ang isang brand ng softdrinks. Sa mga hindi nakakaalam, ang naturang softdrinks ay ginamit na screen name ni Delia DueƱas Smith o mas kilala bilang "Pepsi Paloma."
Noong August 18, 1982, naghain si Pepsi Paloma ng kasong rape at acts of lasciviousness laban kina Vic Sotto, Joey de Leon, at Richard Reyes a.k.a. Richie d' Horsie.
Kasabay ng pagpanaw ni Pepsi Paloma noong May 31, 1985, pumanaw na rin ang kaso pero hindi mamatay-matay ang isyu hanggang sa kasalukuyan kahit pa pinabura na ni dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa Philippine Daily Inquirer noong June 2018 ang mga balita tungkol sa rape case.
Sobrang ikli ngunit malaman ang pagbanggit ni yorme sa brand ng softdrinks na ito.
Paraan kaya ito ni Yorme ng pagsasabing, "don't do unto others, what you don't want others to do unto you."
Sadya naman kasi talagang nakakahiya at nakakaumay na ang mga patutsada ni Joey De Leon, kung pagpapasaya rin lang talaga ang habol nila, hindi ba't mas magiging makabuluhan ang pinaglalaban nila kung itunutuon na lamang nila sa trabaho ang lakas at oras nila? Anong masasabi nyo, mga Kaburyong?
Comments
Post a Comment