Nag-file na ng appeal ang Television and Production Exponents, Inc. (TAPE) ngayong araw, December 13, sa Director ng Bureau of Legal Affairs (BLA) ng Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).
Ngayong araw din gaganapin ang press conference ng TAPE para sagutin ang mga tanong ng media tungkol pa rin sa pinagtatalunang 'Eat Bulaga' trademark.
Samantala, tila nadulas si E.A.T. host Tito Sotto sa naging pahayag niya sa panayam sa kaniya noong nagpa-press conference sila noong binawi ng IPOPHL-BLA ang 'Eat Bulaga' at 'EB' trademark registration ng TAPE.
Nabanggit kasi niyang hindi na sila nagkakausap ng dati niyang bossing sa TAPE na si Mr. Tony Tuviera.
"Wala. We never initiated anything," sagot ni Tito.
Patuloy niya, "And there was once na parang kumokontak sa amin si Tony. That's about it.
"Wala naman. At saka wala kaming planong i-entertain. Sapagkat minsang may pinarating, e, di namin pinansin."
Kung matatandaan, nag-file ng trademark application sina Tito, Vic Sotto, at Joey de Leon sa IPO para sa trademark na 'Eat Bulaga' noong February 27.
Kasama sa naturang application ang pangalan ni Mr. Tuviera.
Itinanggi naman ng TAPE Inc. na kasama si Mr. Tuviera sa nag-file ng application.
Ayon sa legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, "He denies that.
"Being a stockholder of TAPE Inc., he cannot file an application for trademark that is already registered under his own company, TAPE Inc.
"He said TAPE Inc. also has no consent in putting his name in the Feb 27 application."
Nakakapagtaka kung bakit hindi ito natalakay sa desisyon ng BLA adjudication officer ng IPO sa pagkansela ng trademark registration ng TAPE para sa 'Eat Bulaga' at 'EB.'
Hindi ba't parang may 'bad faith' ang trademark application ni Joey de Leon noong March 22 dahil may nauna na silang trademark application noong February 27?
Miski sila ay hindi sigurado kung kanino nakarehistro ang 'Eat Bulaga' trademark kaya dalawang beses pa silang nag-file.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang 'bad faith' sa batas ay tumutukoy sa dishonesty o fraud sa isang transaksyon.
Kung itinanggi ni Mr. Tuviera ang Feb 27 application at wala nang koneksyon sa pagitan ng TVJ at ni Mr. Tuviera, hindi ba kahina-hinala ang mga ginawa nilang hakbang?
Wala na raw silang koneksyon pero ibinida pa nila na dumalo si Mr. T sa kasal nina Maine Mendoza at Arjo Atayde noong July 28.
Gusto ba nilang tuluyan na lang mabura sa isip ng mga tao ang Feb 27 trademark application?
Comments
Post a Comment