Wala pang inilalabas na balita ang GMA-7, pero kumpirmado na raw ang pagbabalik ng Running Man Philippines para sa season 2 nito.
Ayon sa nasagap naming balita, kukunan pa rin sa South Korea ang mga eksena kahit sobrang lamig doon ngayon.
Magbabalik sa second season ang original cast nito na sina Glaiza de Castro, Mikael Daez, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Buboy Villar.
Mukhang hindi raw makakasama sa ikalawang season ng Running Man si Ruru Madrid dahil tuluy-tuloy pa rin ang taping niya sa Black Rider na magkakaroon rin umano ng season 2.
Kaya naman naghahanap umano ang production kung sino ang papalit sa Kapuso Primetime Action Hero.
Maaapektuhan din daw sa pagpapatuloy ng Running Man ang Eat Bulaga! ng TAPE Inc. na napapanood din sa GMA-7.
Regular hosts kasi sa Eat Bulaga sina Buboy, Glaiza, at Kokoy. Kaya ngayon pa lang ay naghahanap na raw ang EB management ng pansamantalang ipapalit sa kanila.
Isa raw sa pinagpipilian ang isang kontrobersyal na aktres na isa sa mga mainit na pinag-uusapan ngayon.
At ang sabi pa nila, tila magre-react daw mismong mga executives ng GMA Network sakaling mapanood nila sa noontime show ang kontrobersyal na aktres.
Wala pang kumpirmasyon mula sa TAPE Inc. kaya abangan natin ang mga susunod na mangyayari!
Comments
Post a Comment