Na-miss n'yo na bang mapanood ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Ms. Judy Ann Santos sa TV?
Apat na taon na rin nang huli nating nakitang umarte sa isang teleserye si Juday.
Ang Starla ng ABS-CBN ang huling teleseryeng pinagbidahan ng aktres at nag-focus sa kaniyang pamilya nitong mga nagdaang taon.
Mahigit isang taon na rin siyang hindi nag-a-upload ng bagong video sa kaniyang YouTube channel na Judy Ann's Kitchen.
Bukas naman ang aktres na magtrabaho sa GMA Network kung mabibigyan daw ng pagkakataon.
"I've always had a good relationship with GMA-7," ani Juday. "I made 'Ouija' under GMA-7 Films, nag-ge-guest ako sa SOP, I'd be their co-host."
"I mean, very open 'yung relationship ko with GMA-7," dagdag pa ng aktres.
Teleserye with GMA
Ayon kay Judy Ann, maraming taon na ng kaniyang buhay ang inilaan niya sa pagtatrabaho bilang aktres. Kaya naman sa punto ng kaniyang buhay ngayon, mas gusto raw niyang mag-focus sa kaniyang pamilya.
"I've been working for the past decades of my life and buong buhay ko binigay ko dito," ani Juday.
"Now that God has given me a very beautiful family that I've prayed for and wished for, hindi pwedeng may makaligtaan ako," dagdag niya. "I want to be there with them at every important moment and memory of their lives."
Kung mabibigyan daw siya ng panibagong acting project, mas gusto raw niyang limited series lang ang gawin.
"Gusto ko gumawa ng series, but I can't commit my time to a long-term series," paliwanag niya.
dagdag niya.
On working with Claudine Barretto
Kasalukuyan ngayong napapanood sa GMA Telebabad ang teleseryeng Lovers & Liars na pinagbibidahan ni Optimum Star Ms. Claudine Barretto.
Talaga namang desidido na si Claudine sa kaniyang showbiz comeback dahil kaliwa't kanan ang mga tinatanggap niyang offers mapa-TV man o pelikula.
Kaya naman natanong din si Judy Ann kung bukas ba siyang makatrabaho si Claudine sa isang proyekto.
"A project with Claudine? Of course, why not. I think hindi lang naman dahil sa hinihingi ng mga tao, but I think it would be a very interesting project," ani Judy Ann.
"This is I think the very perfect moment. Why? Because kalmado at payapa ang kapaligiran," dagdag pa ng aktres.
Samantala, mapapanood sa "Kapuso Movie Festival" ngayong darating na December 7, 9:30 a.m. ang pelikulang "Esperanza: The Movie" na pinagbidahan ni Judy Ann.
Comments
Post a Comment