Ilalabas na raw sa January 2024 ang desisyon ng Marikina Regional Trial Court (RTC), ayon kay Atty. Enrique "Buko" Dela Cruz, hinggil sa "copyright infringement and unfair competition" na inihain nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at Jeny Ferre laban sa Television and Production Exponents Inc. (TAPE) at GMA Network.
Sinampahan ng kaso ng TVJ at ni Ferre ang TAPE at GMA dahil sa tatlong araw na pagpapalabas ng mga lumang episode ng "Eat Bulaga!"
Sa programang "TeleTabloid" ng Abante, nakapanayam ni Mr. Fu ang abogado ng TVJ.
Ayon sa abogado ng TVJ, maglalabas na umano ng injunction ang korte para tuluyan nang hindi magamit ng TAPE Inc. ang titulong "Eat Bulaga!" sa kanilang programa.
"Nag-file na ho kami ng injunction sa RTC Marikina. Yung kaso po na 'yun, hinihiling sa korte na pigilan sila sa paggamit nila ng trademark na Eat Bulaga," sabi ni Atty. Buko.
Tanong naman ni Mr. Fu, "Iyon ba yung sinasabi na baka January na gagamitin yung Eat Bulaga ng TVJ? Yan ba ang hinihintay?"
"Yes, hinihintay namin na lumabas 'yun. Most likely, baka mga January," mabilis na sagot ng abogado ng TVJ.
Kung lumabas sa media ang balita na sa January na lalabas ang injunction, gaano kaya karami ang mga impormasyon na ipinakalat sa media?
Bakit kaya tila sigurado si Atty. Buko na papabor sa kanila ang desisyon ng RTC at magagamit na raw ng TVJ ang "Eat Bulaga" sa January 2024? May nangyayari bang lutuan?
Tama ba na sabihin ito ni Atty. Buko, Marikina RTC?
Comments
Post a Comment