Yasser Marta, isiniwalat ang dahilan ng hiwalayan nila ni Kate Valdez

Inamin ng Sparkle artist na si Yasser Marta na break na sila ni Kate Valdez.

May tatlong buwan na rin daw nang maghiwalay sila.

Si Kate ay may pagbibidahang teleserye, ang Shining Inheritance; habang si Yasser naman ay may bago ring prime-time series, ang Lovers/Liars, na collab ng GMA-7 at Regal Entertainment.

"Wala naman," saad ni Yasser nang tanungin kung may kinalaman ang career nila ni Kate sa kanilang hiwalayan.

"Pero siguro rin kasi ngayon, mas pina-prioritize namin—ako, yung Eat Bulaga! at saka itong Lovers/Liars."

Agad namang nagpaliwanag si Yasser.

Aniya, "Well, siguro para matapos na. Number one kasi sa akin yung nagkasakit ang nanay ko. Na-stroke siya.

"E, sa bahay, tatlo lang naman kami—ako, nanay ko, at kapatid ko. Noong na-stroke siya, kailangan ko siyang alagaan."

Apat na buwan na ang nakalipas nang ma-stroke ang nanay niya.

"Sobrang depressed ako noon," pag-amin ni Yasser.

Hindi raw kaya ni Yasser na pagsabayin ang trabaho, love life, at responsibilidad niya sa pamilya.

"Araw-araw yung trabaho. Kailangan kong mamili talaga. "E, siyempre, nanay ko pa rin po talaga yon. Kaya yung oras ko, binuhos ko po talaga sa kanya," paliwanag niya.

Diretsahan naming tinanong si Yasser kung nagkaroon sila ng conflict ni Kate dahil marami sa oras niya, mas nailalaan niya sa ina at sa trabaho.

"Halu-halo na lang," sabi ni Yasser. "Ako rin naman ang may problema. Hindi ko alam kung paano pagsasabayin. Ako talaga," pag-ako niya.

Wala naman daw siyang naging problema sa pamilya o nanay ni Kate.

Ayon kay Yasser, "Si Tita Tere, palagi naman kaming lumalabas. Nag-a-out-of-town-out-of-town pa kami. Mabait yung family. Wala akong masabi.

"It’s just that, sayang ang opportunity, yung work, then yung magulang. Parang isa lang ang katawan ko, baka bumigay ako."

Comments