Natupok na! 'Nag-aapoy na Damdamin,' laglag na sa Top 30

Tuluyan nang nalaglag sa Top 30 Programs ng Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ang collaboration series ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na "Nag-aapoy na Damdamin."

Sa pinakahuling datos mula sa Nielsen Philippines nitong Lunes (November 20), nakapagtala ang Kapamilya/Kapatid series ng 1.4% laban sa bagong katapat nito sa GMA-7 na "Stolen Life" na nakakuha naman ng 9.1%.

Milya-milya rin ang agwat ng Kapuso afternoon series na "Abot-Kamay na Pangarap" sa Kapamilya/Kapatid series na "Pira-Pirasong Paraiso."

Naka-double digit ang "Abot-Kamay na Pangarap" nitong Lunes samantalang lagapak pa rin sa 2.1 ang katapat nitong Kapamilya/Kapatid series.

Bigo ring makapasok sa Top 30 ang TV5 series na "Niña Niño: Ang Pagbabalik sa Sta. Ynez," samantalang naka-6.9 naman ang "The Missing Husband" ng GMA.

Pagdating naman sa primetime, nangunguna pa rin ang Kapuso flagship newscast program na "24 Oras" na nakapagtala ng 16.8% na rating.

Panalo pa rin ang "FPJ's Batang Quiapo" na nakakuha ng 16.0%, mas mataas laban sa bago nitong katunggali na "Black Rider" na naka-13.1% naman.

Tuluy-tuloy naman ang winning streak ng Kapuso Network hanggang sa "Saksi."

Drama Viewership Rating for November 20, 2023

Program NameEp. #Network/sRating
Abot-Kamay na Pangarap375GMA / Pinoy Hits11.7
Pira-Pirasong Paraiso101A2Z / Kapamilya Channel / TV52.0
Program NameEp. #Network/sRating
Stolen Life6GMA / Pinoy Hits9.1
Nag-aapoy na Damdamin85A2Z / Kapamilya Channel / TV51.4
Program NameEp. #Network/sRating
The Missing Husband61GMA / Pinoy Hits6.9
Niña Niño: Ang Pagbabalik sa Sta. Ynez64TV50.6
Program NameEp. #Network/sRating
Black Rider11GMA / Pinoy Hits / GTV (delayed)13.1
FPJ's Batang Quiapo199A2Z / Kapamilya Channel / TV516.0
Program NameEp. #Network/sRating
Love Before Sunrise41GMA / Pinoy Hits / GTV (delayed)8.3
Can't Buy Me Love26A2Z / Kapamilya Channel / TV58.0
Program NameEp. #Network/sRating
Lovers / Liars1GMA / Pinoy Hits4.5
Senior High61A2Z / Kapamilya Channel / TV54.0
Program NameEp. #Network/sRating
Poong: The Joseon Psychiatrist (Season 2)26GMA2.4
The World of a Married Couple36A2Z / Kapamilya Channel / TV51.8

Comments