Muling mapapanood sa Philippine television ang isa sa highest-rated Korean historical drama na Jewel in the Palace, na pinagbidahan ng multi-awarded actress na si Lee Young-ae bilang Jang Geum.
Unang napanood ang Jewel in the Palace (Dae Jang Geum) sa South Korea noong 2003, at ipinalabas sa GMA noong November 2005.
Kabilang sa cast ng phenomenal historical series ang Korean stars na sina Ji Jin-Hee bilang Kapitan Jung-Ho Min, Hong Ri-Na bilang Lady Choi Geum-Young, at Im Ho bilang Haring Jung-Jong.
Ang Korean drama na ito ay hango sa totoong kuwento ng buhay ni Great Jang Geum, ang unang babaeng naging manggagamot ng hari sa panahon ng Dinastiyang Joseon.
Sa kabila ng mababang estado sa buhay na kaniyang pinagmulan, hindi tumigil si Jang Geum na mangarap at magsumikap hanggang sa maging tagapagluto sa palasyo at kalaunan ay naging unang babaeng doktor ng hari.
Abangan ang Jewel in the Palace ngayong December 2, 3:00 p.m. sa GTV.
Comments
Post a Comment