Nakakabangon na? ABS-CBN, tumaas ang ad sales sa unang 9 buwan ng 2023!

Inanunsyo ng ABS-CBN Corp nitong Martes na ang regular advertisement sales nito para sa unang tatlong quarter ng 2023 ay umabot sa P4.829 bilyon, tumaas ng 18 porsiyento kumpara sa parehong panahon noong 2022.

Kapag isinama ang mga benta sa advertising na nauugnay sa halalan noong 2022, ang kabuuang kita sa advertising para sa unang siyam na buwan ay nanatiling hindi nagbabago kumpara sa nakaraang taon, ayon sa kumpanya.

Samantala, ang consumer sales ay bumaba ng 8 porsiyento, na may kabuuang P8.691 bilyon, kumpara noong 2022. Ang paghina na ito ay maaaring maiugnay sa pagbaba sa mga consumer ng cable TV at satellite via Sky at TFC, tulad ng isiniwalat ng kumpanya sa stock exchange.

In terms of total consolidated revenues, ang ABS-CBN Corp ay nag-ulat ng P13.52 bilyon para sa unang siyam na buwan ng taon, bahagyang mas mababa kumpara sa nakaraang panahon na P13.556 bilyon kapag hindi kasama ang mga non-recurring advertising revenues.

Ang ABS-CBN Corp ay nag-ulat ng pagbaba recurring net loss, na nagkakahalaga ng P3.396 bilyon, kumpara sa P4.463 bilyon na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ito ay nagpapahiwatig ng isang positibong growth na 24 porsyento, dahil sa pagtaas advertising sales at mga pagbabawas ng gastos.

Sinabi ng ABS-CBN Corp na ang total costs and expenses nito ay umabot sa P16.1 bilyon, na nagpapakita ng 8 porsiyentong pagbaba kumpara noong 2022.

Sa kabila ng hindi pagkaka-renew ng prangkisa nito, nananatiling matatag ang ABS-CBN Corp sa dedikasyon nito sa paglilingkod sa mga Pilipino sa buong mundo.

Bilang tugon, inilunsad ng kumpanya ang Kapamilya Channel sa cable TV at ipinakilala ang digital streaming platform nito, "Kapamilya Online Live."

Bukod pa rito, pinanatili ng ABS-CBN Corp ang iba't ibang content sharing agreements, pakikipagsosyo, at mga pagbebenta ng content at licensing deals, na nagbibigay-daan sa mga manonood sa Pilipinas at sa ibang bansa na ma-access ang kanilang mga paboritong Kapamilya shows.

Comments