Nasa pre-production stage na ang upcoming project ni John Lloyd Cruz na mapapanood sa susunod na taon sa GMA-7.
Ang proyektong ito ang pagbabalik ng magaling na aktor sa Kapuso Network matapos magpaalam sa telebisyon ang 2-season sitcom na "Happy ToGetHer."
Nagulat ang mga tagahanga ni John Lloyd at ng mga sumusubaybay ng "Happy ToGetHer" ang joint statement na inilabas ng GMA Network at ng Crown Artist Management Inc. noong Hulyo 2023 tungkol sa pagwawakas ng naturang sitcom.
Nakasaad sa pahayag na "GMA Network and Crown Artist Management Inc. will still work on possible future collaborations, especially with the award-winning actor and Box-Office King John Lloyd Cruz."
Ang Crown Artist ang namamahala sa showbiz career ni John Lloyd.
Comments
Post a Comment