Ito ang naunang dininig bago ang mismong kasong copyright infringement at unfair competition na inihain nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, o mas kilalang TVJ, at ni Jeny Ferre laban sa TAPE at GMA-7.
Insinalang bilang witness ang isang representative mula sa admin department ng TAPE. Siya ang unang witness mula naman sa kampo ng TAPE na nagbigay ng testimonya.
Matatandaang sinabi umano ng TVJ at ni Ferre na kanila ang lahat ng intellectual creations para sa "Eat Bulaga" dahil hindi daw sila empleyado ng TAPE ayon sa Politiko website na inilathala noong July 13.
Sa pagsalang ng witness mula sa admin department ng TAPE kahapon, inaasahang nagpakita ito ng mga katibayan na empleyado nga ng kumpanya ang dating creative head ng "Eat Bulaga!" na si Jeny Ferre.
Inaasahan din na hanggang ngayong buwan ng Setyembre na lang ang pagdinig para sa application for the issuance of writ of injunction, bago tumuloy sa pagdinig sa main case.
Hindi na nagbigay ng detalye ang legal counsel ng TAPE Inc na si Atty. Maggie Abraham-Garduque. Sinabi lang niya na sa sa September 11 na ang susunod na pagpe-present ng witness mula sa kanilang kampo.

Comments
Post a Comment