Nakagambala sa mga motorista ang taping ng isang teleserye sa Bacolor, Pampanga.
Ayon kay Bacolor Mayor Diman Datu, hindi umano nakipag-coordinate ang production team ng teleseryeng pinagbibidahan ni Coco Martin bago sila nagsimulang mag-shoot ng mga eksena sa Gugu Dike sa bayan ng Bacolor.
Nagtagal umano ang taping ng mahigit tatlong oras dahilan para magdulot ng matindi at masikip na daloy ng trapiko sa Jose Abad Santos Avenue, lalo na at kasagsagan pa noon ng rush hour.
Maraming pasahero at motorista ang nainis sa insidente.
"Hindi sila kumuha ng permit sa amin. Tinawagan ko ang police at BFP (Bureau of Fire Protection). Akala daw ng production team ay sakop ng San Fernando ang lugar.
"Sabi ko mali ang ginagawa nila pero hindi ko na pinatigil dahil nandoon na sila at patapos na rin naman sila, pero sabi ko ayusin nila sa susunod," ani Datu.
Comments
Post a Comment