TAPE, nagpakita ng mga 'resibo' na matagal nang nakapangalan sa kanila ang 'Eat Bulaga' YouTube channel

Matapos kumpirmahin ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. na nabawi na nila ang access at kontrol sa channel ng "Eat Bulaga" sa YouTube, may mga haka-haka namang naglitawan sa social media na hinack umano ng kumpanya ang sarili nitong YouTube channel.

Nagpahayag rin ang TVJ Productions sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Enrique "Buko" Dela Cruz na naghahanda na umano sila sa pagpa-file ng panibagong kaso laban sa TAPE.

"The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. That is why they never had access to this account," ani Dela Cruz.

"We are preparing the appropriate legal action. This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube," dagdag pa ng abogado ng TVJ Productions.

Sagot naman ng kampo ng TAPE sa pamamagitan ng legal counsel nila na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, "TAPE did not hack the account. TAPE will never do such a thing. Thus, it is not liable for cybercrime."

Sinabi ng TAPE na nakipag-ugnayan umano sila sa YouTube upang mapalitan ang lumang email, password, at bago nitong administrator na kakatawan para sa kumpanya.

Nilinaw din ng TAPE na dati nilang empleyado ang gumawa ng channel ng "Eat Bulaga" sa YouTube at kinatawan lamang nito ang kumpanya.

"The person who made the account was an employee of TAPE when she made the account and she made the YouTube account in behalf of TAPE Inc," komento ng TAPE.

Umaasa ang TAPE na tatanggapin ng kabilang panig ang katotohanan o kung hindi ay mapipilitan silang ibunyag ang mga ito. 

"I hope truth must be admitted or else we will be forced to divulge it.

"All YouTubers know this, that if you are the owner of the account, you should be the registered owner thereof and the monetization payee of the account," pahayag ng TAPE.

Courtesy of TAPE Inc.

Tinanong rin ng TAPE na kung pag-aari nga ng dating empleyado ng TAPE o ng TVJ Productions ang online channel, bakit hindi nakapangalan sa kanila ang mga cheke?

"If the former employee of TAPE or TVJ are the real owners thereof, how come YouTube did not send any check under their names?

"The check for its monetization was and is always under the name of TAPE Inc," dagdag pa ng TAPE.

Courtesy of TAPE Inc.

Makikita sa mga katibayan na ipinadala sa amin ng TAPE Inc. na nakapangalan nga sa kanila ang mga resibo at naka-address ang mga resibo sa kanilang opisina sa 79 Xavierville Avenue, Loyola Heights sa Quezon City.

Katunayan ito na sa TAPE dumidiretso ang kita mula sa YouTube (Google Asia Pacific PTE Ltd.) at hindi sa dati nitong empleyado.

Comments