May pasilip si "It's Showtime" host at comedian Ryan Bang sa upcoming guest appearance niya sa flagship gag show ng Kapuso Network.
Nakasama ni Ryan ang ilan sa mga host ng "Eat Bulaga," na katapat ng kinabibilangan niyang noontime show.
Kabilang sa mga "Eat Bulaga" host na kaniyang nakasama sa "Bubble Gang" sina Paolo Contis, Kokoy de Santos, Buboy Villar, at Chariz Solomon, na regular ding napapanood sa show.
Matatandaan na naging guest din ang former Pinoy Big Brother contestant sa Fast Talk with Boy Abunda noong Agosto, kung saan kasama din niya ang co-host sa noontime show na si Jhong Hilario.
Pinag-usapan din ng husto sa social media nang bumisita si Michael V. sa "It's Showtime," kasama si Manilyn Reynes, para makisaya sa birthday celebration ng former Ka-Bubble na si Ogie Alcasid.


Comments
Post a Comment