Jillian Ward, papasok sa 'Royal Blood' bilang Dra. Analyn

Magkakaroon ng crossover sa Royal Blood ang karakter na pinagbibidahan ni Jillian Ward sa hit GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay na Pangarap.

Sa panayam kay Lhar Santiago sa 24 Oras, ibinahagi ni Jillian ang excitement nang mag-cameo siya bilang ang genius neurosurgeon na si Dra. Analyn sa hit murder mystery series na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.

"Super excited po ako kasi first time ko pong mag-cameo sa ibang show bilang si Doktora Analyn and nag-enjoy din po talaga ako sa taping po ng 'Royal Blood'," sabi ng young actress.

Talaga namang kaabang-abang ang mga tumitinding eksena at mga rebelasyon sa hit primetime series ng GMA-7.

'Wag ding palagpasin ang pagpasok ni Dra. Analyn sa kwento ng Pamilya Royales.

Ang Royal Blood ay pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Kasama sa star-studded na cast sina Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, Rabiya Mateo, at Rhian Ramos.

Sa natatanging pagganap ni Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales. Kasama rin dito sina Ces Quesada, Benjie Paras, Carmen Soriano, Arthur Solinap, James Graham, Aidan Veneracion, Princess Aliyah, at Sienna Stevens.

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

Comments