Mahusay na aktor si VA pero na-stereotype na siya sa "bad guy" roles, kaya naman kaliwa't kanan ang mga natatanggap niyang offer na "bad guy character" sa iba't ibang projects.
Mahalaga sana ang role ni VA sa teleseryeng kaniyang kinabibilangan dahil siya dapat ang isa sa ultimate villain ng serye.
Bigla na lang kasing nag-decide ang Famous Director (FD) na 'wag nang pabalikin si VA para i-shoot ang napakaraming natitirang eksena.
Ayon sa isang production staff, nayabangan daw kasi si FD kay VA kaya 'di bale nang masira ang serye kaysa pakisamahan si VA.
Nagpalusot na lang si FD na sadyang "walang ending" ang character ni VA dahil siya raw umano ang magiging main villain sakaling magkaroon ito ng ikalawang season.
Pero malabo umanong mangyari ito dahil disappointed daw sa teleserye ang mga production staff at big bosses ng network.
Comments
Post a Comment