Pinabulaanan ni Kapuso Drama Goddess ang bali-balitang idadagdag siya sa bagong cast ng FPJ's Ang Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nagkaroon ng mga ispekulasyong lilipat sa ibang network ang aktres nang napabalitang magpapalit siya ng manager.
Noong nakaraang linggo pa dapat magkakaroon ng press conference para pormal na i-anunsyo na magiging talent na siya ng All Access To Artists (Triple A) ni Direk Mike Tuviera, pero na-move na ito nung Martes, September 26, 2023, na ginanap sa Sampaguita Gardens.
Doon na nagkaroon ng pagkakataon ang press para malinaw ang mga isyu mula mismo kay Carla.
Sagot ni Carla, "Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness! I would love to be part of Batang Quiapo.
"Pero wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng Batang Quiapo.
"As of ngayon, wala naman pong final na offer na maging parte po ng kahit na anong proyekto.
"So, hindi po. Pero kung yayain po ako, kung aalukin po ako, magiging open po ako dun."
Natapos na ang network contract ni Carla sa GMA pero may kasunod pa siyang drama series, ang Stolen Life, kasama si Gabby Concepcion.
"Yung akin pong kontrata sa GMA, nag-expire po nung May. So, medyo matagal na rin pong expired, four months po.
"Baka doon po nagsimula po yun. Siguro, dahil question mark pa rin po... parang kumbaga, nag-expire po ang aking network contract, e, wala pa pong renewal.
"Of course, wala pa pong signing or anything. Kaya siguro may mga ganung nakakasingit, kasi question mark pa rin po yun.
"Kumbaga, wala pa po tayong masasagot dun. Kasi it's the truth naman po na wala naman po akong pinipirmahan pang kontrata with any network."
Kung si Carla daw ang masusunod, mas gusto pa rin naman daw nyang manatiling Kapuso, kaya naka-focus umano siya ngayon sa negosasyon ng renewal ng kaniyang kontrata.
"Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically. Siyempre, yun ang pinakaimportante, eh.
"Of course, kagaya nung nabanggit ko kanina. Nag-expire na ang aking GMA contract nung May po. So, yun ang pinaka-priority ko sa ngayon.
"Because yun po yung trabaho ko talaga. That's my home network.
"I value that so much, kasi yun ang aking regular job, that's my home network. So, dun talaga ako naka-focus sa ngayon."
May balita ring babalik na sa Pilipinas ang dati niyang asawa na si Tom Rodriguez at ipagpapatuloy ang kaniyang kontrata sa GMA, kaya natanong ang aktres kung anong reaksyon niya tungkol dito.
"No problem po, kasi ever since naman po, Kapuso po ako. Fourteen years na po.
"Of course, I would love to stay. My loyalty is with GMA.
"Sino ba naman po ang hindi gusto mag-stay, di po ba? Nandiyan na, eh. Yun na po, eh, yun na po yung buhay ko, eh.
"Siyempre, kilala mo na ang lahat na taong nandiyan. Nandun na po yung trust. Nakapag-build na po ng family d'yan.
"So, siyempre, yun yung gusto ko. Yun po yung wish ko. Yung priority ko na mag-stay sa home network."
Comments
Post a Comment