Makikita sa mga record ng korte na naghain ng civil action lawsuit si Revillame sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) noong Agosto 23, 2010 na naglalayong kanselahin, wakasan, at bawiin ang kaniyang tatlong taong kontrata sa ABS-CBN.
Sa ilalim ng naturang kontrata, magho-host si Revillame ng "Wowowee" sa ABS-CBN Network hanggang Setyembre 10, 2011 "or upon cancellation or earlier termination of the program."
Pormal na nagsumite ng kaniyang pag-withdraw ang TV host mula sa palabas noong Mayo 5, 2010, na agad namang nagsampa ng kaso matapos tumanggi ang ABS-CBN na palayain siya bilang talent.
Noong Setyembre 15, 2010, nag-file ang ABS-CN ng sagot nito kalakip ang compulsory counterclaim, praying for liquidated damages na nagkakahalaga umano ng mahigit P700 million, at mahigit P400 million sa kada violation umano ni Revillame o bawat linggo na paglabag sa kanilang kasunduan.
Makalipas ang isang buwan, nag-apply ang ABS-CBN ng temporary restraining order (TRO) at/o preliminary injunction para pigilan si Revillame na mag-perform sa TV5, na pag-aari ng ABC Development Corp. sa kaparehong palabas na may titulong "Willing Willie."
Ibinasura ng RTC ang TRO application pero inutusan si Revilame na magbayad ng bond na nagkakahalaga ng P426,917,646.96 bilang security para sa anumang mga damage na maaaring maidulot nito sa ABS-CBN.
Matapos nito, nagpatuloy ang ABS-CBN sa paghahain ng reklamo sa Marikina RTC para sa copyright infringement laban kay Revillame, ABC Corp., Wil Productions Inc., at kay Ray Espinosa.
Dahil dito, nagtungo naman ang ABC Corp. at si Espinosa sa Court of Appeals (CA) upang pigilan ang Makati RTC na maipagpatuloy ang kaso ng copyright infringement.
Ang pagpapasya ng CA ay pumabor sa ABC Corp. at kay Espinosa. Napag-alaman na nagsumite pala ng dalawang demanda ang ABS-CBN batay lamang sa iisang cause of action: Ang sinasabing paglabag umano ni Revillame ng kontrata nito sa ABS-CBN.
Kalaunan ay kinatigan ng Korte Suprema ang pagpapasya ng CA sa isang hiwalay na kaso.
Kasunod ng pag-dismiss ng CA sa demandang copyright infringement, naghain ang ABC Corp. ng motion to dismiss sa compulsory counterclaim ng ABS-CBN.
Pinayagan ng RTC ang motion, na nagtulak sa ABS-CBN para mag-apela sa CA, na nagpasya namang ibalik ang compulsory counterclaim. Hinamon naman ito ni Revillame sa Korte Suprema.
Sa pinakahuling pagpapasya nito, nagpasya ang Third Division ng Korte Suprema na pabor kay Revillame at inutusan ang pagpapaalis ng compulsory counterclaim ng ABS-CBN.
Kinuha ng Mataas na Hukuman ang judicial notice mula sa desisyon ng First Division ng Korte Suprema noong Oktubre 16, 2019 na nagtanggal ng reklamo ng copyright infringement ng ABS-CBN sa batayan na forum shopping.
Comments
Post a Comment