Ngayong darating na Biyernes, August 25, na dapat ang original airing date ng final episode ng Voltes V: Legacy pero na-extend pa ito ng 10 episodes.
Patuloy na sinusubaybayan ang Kapuso mega series mula nang una itong umere noong May 8 ngayong taon.
Although natatalo s'ya ng katapat nitong programa na umeere sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Cinemo, naglalaro lang sa 12-13% ang rating ng Voltes V: Legacy kaya mataas pa rin at sobrang liit lang ng lamang ng Batang Quiapo.
Samantala, ang aming pagkakaalam ay 10 episodes lang na extended ang Voltes V: Legacy kaya nagulat kami sa inilabas ng Philippine Entertainment Portal (PEP) na hanggang end of September pa raw ito eere.
Kinumpirma naman ng aming source na 10 episodes lang daw talaga ang extension ng mega series kaya magwawakas na ito sa September 8.
Nauna nang umere ang additional episodes ng VVL kung saan tampok sina Kylie Padilla, Pancho Magno, at Vaness del Moral.
Hindi dapat palampasin ang huling 13 episodes ng Voltes V: Legacy dahil siksik ito ng mga rebelasyon at aksyon.
Hango rin ang mga ito sa mga kontrobersyal na episodes ng original na anime na ipinatigil noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang pag-ere sa telebisyon.
'Wag mimintis sa panonood ng Voltes V: Legacy, Mondays to Fridays 8pm sa GMA Telebabad!

Comments
Post a Comment