Pelikula ni FPJ, magkakaroon ng remake!

Isiniwalat ni Senator Bong Revilla na gagawa siya ng pelikulang inspired sa pelikulang Isusumbong Kita sa Tatay Ko (1999) na pinagbidahan nina Fernando Poe Jr. at Queen of Pinoy Soap Opera Ms. Judy Ann Santos.

Lagot Ka sa Tatay Ko! ang working title ng pelikulang pagsasamahan ni Sen. Bong at Abot-Kamay na Pangarap lead actress Jillian Ward.

Nakasama na dati ni Sen. Bong si Jillian sa pelikulang Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010) at Si Agimat, si Enteng at si Ako (2012).

Pahayag ng actor-politician, "Gusto nating makatulong din ulit sa movie industry. Buhayin natin yung cinema. Tulung-tulong kaya ini-encourage ko rin ang iba nating mga artista."

Sa susunod na taon pa raw ang target date ng showing ng pelikula nila.

Samantala, nakatakda namang umere ang finale episode ng unang season ng Kapuso series niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa Agosto 20, Linggo ng 7:15pm sa GMA-7.

Kinumpirma din ni Sen. Bong na ikinakasa na ang Season 2 ng top-rating weekend series.

Comments