Initially ay 80 episodes lang dapat ang serye pero na-extend ito ng 10 episodes pa.
Hindi pa inaanunsyo ang "extension" ng series pero nakapag-taping na ang production para dito.
Hindi na na naitago ni Voltes V: Legacy director Mark Reyes ang surpresa dahil pumutok na sa social media ang balita.
Ayon kay Direk Mark, "Surprise! The "worst kept secret" is that @kylienicolepadilla and @magnopancho are guesting on the extra episodes of @voltesvlegacy!"
Gaganap si Kylie Padilla bilang si Arisa at si Pancho naman bilang si Takeo.
Ang mga karakter na kanilang gagampanan ay creative derivatives ng Beastfighter na si "Giron" sa original anime.
Maliban kina Kylie at Pancho, dapat ding abangan si Vaness del Moral na gaganap naman bilang si Contessa Zaki na isang Boazan.
Ayon pa rin kay Direk Mark, marami pa raw surpresa, plot twists, at mga rebelasyon sa nalalapit na pagtatapos ng Voltes V: Legacy.
Comments
Post a Comment