Nagsimula nang mag-taping si Kapuso actress Kylie Padilla para sa top-rating primetime series ng GMA-7 na Voltes V: Legacy.
Bahagi si Kylie ng "extension" ng Voltes V: Legacy na dapat abangan ng mga manonood.
Wala raw sa original anime ang karakter na gagampanan ng Kapuso actress sa live-action adaptation, pero nakaka-curious kung ano ang magiging papel n'ya sa buhay ng Voltes Team.
May mga ugong-ugong naman na maaaring foreshadowing ito sa napapabalitang susunod na live-action adaptation ng GMA, ang Daimos.
Tikom pa ang bibig ng mga staff tungkol sa role ni Kylie pero siguradong susurpresa ito sa mga fan ng aktres at sa viewers ng series.
Si Kylie ang isa sa mga original choices para sa role na Jamie Robinson na ngayon ay ginagampanan ni Ysabel Ortega.
'Wag bibitiw sa mas lalong tumitinding mga eksena sa Voltes V: Legacy, gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Comments
Post a Comment