Claim: Mas malaki pa ang kinita ng ABS-CBN kaysa GMA
Kumalat sa social media ang balita na mas malaki pa raw ang kinita ng ABS-CBN Corporation kumpara sa kinita ng GMA Network sa unang anim na buwan ng 2023.
Bumagsak umano ang profit ng Kapuso Network ng 70% ngayong taon at nahigitan pa raw ito ng ABS-CBN.
Nagsimula ang mga ispekulasyong ito matapos mag-post ang isang website na talo pa rin daw ng mga Lopez, nagmamay-ari ng ABS-CBN, ang GMA Network pagdating sa ads revenue.
Ito ay malinaw na "disinformation" o pagbabaluktot ng totoong financial standing ng GMA Network at ABS-CBN.NET INCOME AND REVENUES
Ayon sa mga Quarterly Report na isinumite ng GMA Network at ABS-CBN Corporation sa Securities and Exchange Commission (SEC), lumalabas na P1.82 billion ang net income ang GMA Network habang lugi naman ng P2.23 billion ang ABS-CBN.
Totoong mas malaki ang pumasok na pera o ang "revenue" ng ABS-CBN para sa unang anim na buwan, pero ang karamihan ng revenue na pumasok ay mula sa consumer sales at hindi sa ads revenue.
Normal lang na mas mataas dapat ang consumer sales ng ABS-CBN kumpara sa ads revenue dahil sila ay internet and cable service provider at hindi na isang broadcasting company na umaasa sa ads revenue.
Samantala, P7.75 billion ang pumasok na revenue sa GMA na nanggagaling sa ads para sa unang anim na buwan ng 2023. Ang kinita naman ng ABS-CBN mula sa ads ay P2.99-B lamang.
Pagdating sa consumer sales, nakapagbenta ang GMA Network ng mga serbisyo at goods (GMA Affordabox at GMA Now Digital TV mobile receiver) na nagkakahalaga ng P706.73-M sa unang anim na buwan ng 2023. Mas mataas ito kumpara sa kinita na P640.9-M noong unang anim na buwan ng 2022.
EXPENSES
Pagdating sa expenses, ang total operating expenses ng GMA Network sa 2023 H1 (First Half) na umabot sa P6.94-B na mas mataas sa P6.69-B noong 2022 H1.
Mas naghigpit sinturon naman ang ABS-CBN pagdating sa paggastos, pero mas malaki pa rin ang total operating expenses nila na umabot sa P10.61-B nitong 2023 H1. Mas mababa ito sa P11.44-B noong 2022 H1.
Ang production costs ng ABS-CBN ay P3.53-B, bahagyang mas maliit sa P3.66-B na ginastos ng GMA sa produksyon.
Ang gastos ng ABS-CBN naman para sa sales ng services and goods ay P3.60-B, sobrang laki kung ikukumpara sa ginastos ng GMA na P186.44 million.
VERDICT: FALSE
Samakatuwid, luging-lugi pa rin ang ABS-CBN Corporation dahil sa laki ng mga gastos nito. Malaki naman ang kinita ng GMA kahit walang political ads ngayong taon.Ang pagkawala ng kita ng ABS-CBN sa free TV ay kanila namang binabawi sa pamamagitan ng sales of services and goods.
Ang nakapagtataka lang ay kung bakit may mga lumalabas na ganitong balita, eh hindi naman na isang broadcasting company ang ABS-CBN Corporation.
Dinadagdagan ba nila ng gatong ang baga ng dating network war na ngayon ay unti-unti nang nawawala?
Hindi ba't mas maganda kung ang net income, revenues, and expenses ng TV5 at GMA ang kanilang pinagkukumpara?
Hmmm...

Comments
Post a Comment