G sa Gedli, most-watched noontime show segment nationwide!

Talaga nga namang gitgitan ang labanan ngayon ng tatlong noontime shows sa Pilipinas.

Bagamat nangunguna pa rin ngayon ang "E.A.T." ng TV5 sa ratings, hindi naman ito makaalagwa nang husto dahil marami rin ang tumututok sa Kapuso at Kapamilya noontime shows.

Sa pamamagitan ng ratings, nalalaman natin ang totoong pulso ng masa. At sa paghahatid ng mapagkakatiwalaang ratings, nariyan ang international audience measurement company na Nielsen.

Sa mahigit 3,500 people meters na kumakatawan sa buong populasyon ng Pilipinas, bawat segundo ay naitatala ang mga nanonood ng mga programa sa telebisyon.

Nalalaman ng mga network at mga subscriber ng Nielsen kung anu-ano ang mga pumapatok sa panlasa ng mga Pinoy.

Mahalaga ang Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM Ratings) para sa karamihan ng mga advertiser dahil sa urban areas pinakamarami ang mga audience na bumibili ng mga produkto.

Para naman sa mas komprehensibong datos upang malaman kung ano ang tinatangkilik ng kabuuan ng populasyon ng Pilipinas, ang Philippine National Television Audience Measurement (PHINTAM Ratings) na pinagsama na ang lahat ng urban at rural areas.

Madalas namang naisasantabi ang Nationwide Rural Television Audience Measurement (RTAM) dahil hindi sila ang target ng mga nagbebenta ng mga produkto. Malaking populasyon din kasi ng mga nakatira sa rural areas ang hindi naaabot ng mass media, partikular na ng telebisyon.

NUTAM People Ratings

Ayon sa pinakahuling NUTAM People Ratings nito lang August 24, nangunguna pa rin ang "E.A.T." ng TV5 with 4.9%.

Sinundan naman ito ng "Eat Bulaga" ng GMA-7 with 3.8% at "It's Showtime" na nakakuha ng combined rating na 3.4% sa GTV at A2Z.

Malaki pa rin ang lamang ng "E.A.T." sa Metro Manila. Nakapagtala ito ng 6.4% laban sa 2.5% ng Eat Bulaga.

Bahagya namang mas lumiit ang lamang ng TV5 noontime show sa natitirang malaking bahagi ng Luzon.

Sa Balance Luzon, nakapagtala ang "E.A.T." ng 3.9% na rating samantalang naka-2.8% naman ang "Eat Bulaga."

Panalo naman ang "Eat Bulaga" sa Visayas at Mindanao.

RTAM at PHINTAM People Ratings

Pagdating naman sa rural areas sa Pilipinas, waging-wagi pa rin ang "Eat Bulaga" ng GMA sa Luzon, Visayas, at Mindanao..

Kung talo ang Kapuso noontime show sa Urban Metro Manila at Balance Luzon, sa Rural Luzon naman ang pinakamataas na nakuha ng show.

Naka-4.3% ang "Eat Bulaga" samantalang naka-2.3% lang ang "E.A.T." ng TV5.

Sa PHINTAM naman ay sobrang dikit ng laban ng dalawang naggigitgitang noontime shows. Nakapagtala ang "Eat Bulaga" ng 3.9% habang naka 3.8% naman ang "E.A.T."

Wagi ang "E.A.T." sa Urban+Rural Luzon, samantalang panalo naman ang "Eat Bulaga" sa Urban+Rural Visayas at Urban+Rural Mindanao.

Most watched noontime show segment

Maituturing na ngayong phenomenal ang segment ng "Eat Bulaga" na "G sa Gedli." Ito kasi ang most watched segment sa lahat ng noontime shows ayon sa NUTAM.

"Gimme 5: Laro ng mga Henyo" ang top segment ng "E.A.T." na nakakuha ng 7.1% sa Urban Metro Manila, pero mas mataas naman ang nakuha ng "G sa Gedli" na naka-7.8% sa buong Urban Visayas.


Siguro ay dapat na talagang i-retire ng TVJ ang "Bawal Judgmental" / "Boom!" rip-off segment nila na "Babala! Wag Kayong Ganun Uyy!" dahil ito ang pinakamahina nilang segment para hindi na nito nahahatak ang mga malalakas nilang segment.

Matatandaan na ang "Bawal Judgmental" ang isa sa pinakamahinang segment dati sa "Eat Bulaga" na pinapabawasan ng TAPE ang airtime. Mukhang aware naman ang TVJ na mahina talaga ang segment kaya binawasan nila ang airtime ng "Babala..." sa "E.A.T."

"Word of the Rings," ang revamped version ng "Pinoy Henyo," naman ang weakest segment ng "Eat Bulaga" habang ang "Tawag ng Tanghalan" naman ang pinakamahina ng "It's Showtime."

Comments