Echo Calingal, nakakuha ng copyright registration certificate for 'EB Happy'

Iflinex ni BakClash grand winner Jerricho "Echo" Calingal ang nakuha niyang Certificate of Copyright Registration mula sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL).

Saad ni Echo sa kaniyang post, "All you need is a little creativity, To make EVERYODY..HAPPY!"

Nakasaad naman sa ipinakita niyang certificate na ang kaniyang copyright ay under ng Class G o para sa drawing, paintings, architectural works, sculpture, engraving, prints, lithography or other works of art, models or designs of art.

Sa madaling salita, ang "copyright" ni Echo ay para mismo sa graphic design na kaniyang ipina-copyright.

EB Happy design by Jerricho Calingal

Magkagayunman, ang "copyright" at "trademark" ay magkaibang intellectual property.

Ang copyright ang legal na proteksyon ng isang may-akda o may-ari para sa kaniyang orihinal likha.

Samantalang ang trademark naman ay legal na proteksyon ng isang negosyo o kumpanya para sa mga brand nito.

Maikukumpara natin ito sa titulong "Maging Sino Ka Man" na ilang beses nang ginamit bilang titulo ng isang pelikula at maraming teleserye.

Hindi maaaring kasuhan ng copyright infringement ng VIVA Films ang GMA Network sa paggamit ng titulong "Maging Sino Ka Man" dahil magkaiba ang kuwento ng "Maging Sino Ka Man" na pinagbidahan nina Robin Padilla at Sharon Cuneta sa teleseryeng "Te Amo, Maging Sino Ka Man" na pinagbidahan naman nina Iza Calzado at Segundo Cernadas.

Ganun din sa teleserye ng ABS-CBN na "Maging Sino Ka Man" noong 2006. Hindi maaaring magsampa ng kaso ang VIVA Films at GMA Network dahil hindi naman nila trademark ang titulo.

Iba lang ngayon sa upcoming series ng GMA Network na "Maging Sino Ka Man" na pagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco dahil remake ito ng classic movie nina Robin at Sharon. Nagbayad ang GMA para sa format rights.

Dahil d'yan, hindi maaaring kasuhan ni Echo ang TAPE Inc. sa paggamit ng "EB Happy" dahil magkaiba ang ibig sabihin nila ng "EB". "Every Body Happy" ang kay Echo, samantalang "Eat Bulaga Happy" naman ang sa TAPE.

Maaaring magpa-print si Echo ng tarpaulin gamit ang kaniyang "EB Happy" design. Magpa-billboard, gumawa ng business at gamiting design ng label ng kaniyang ampalaya jam at ampalaya chips.

Comments