Malakas ang Kapuso noontime show sa mga rural area sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa Nationwide Rural Television Audience Measurement (RTAM) ng Nielsen Philippines, nakapagtala ang Eat Bulaga (GMA) ng average rating na 3.54% mula August 7 hanggang 12, mas mataas kumpara sa nakuhang 2.49% ng E.A.T. (TV5).
Sa Rural Luzon, naka-3.56% ang Eat Bulaga laban sa 2.62% noontime show na pinangungunahan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa Kapatid Network.
Sa Visayas naman, 3.38% ang nakuhang rating ng Eat Bulaga at naka-3.02% naman ang Kapatid noontime show.
Sa Rural Mindanao naman ang pinakamataas na rating na nakuha ng Eat Bulaga. Nakapagtala ito ng 3.73% laban sa 1.03% ng E.A.T.
Samantala, halos hindi naman na nagkakalayo ang agwat ng dalawang nagbabangaang show sa tanghali.Ayon sa pinakahuling datos na aming natanggap na Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) ng Nielsen Philippines, 0.62% lang ang lamang ng E.A.T. sa Kapuso noontime show noong Huwebes, August 10.
Nananatiling malakas naman ang E.A.T. sa Metro Manila kung saan naka-6.10% ito, habang ang Eat Bulaga naman ay naka-3.49%.
Pagdating naman sa Balance Luzon ay mas maliit na ang lamang ng E.A.T. ng TV5. Mas mataas na lang ng 0.48% ang show ng TVJ laban sa GMA noontime show.
Panalo naman ang Eat Bulaga sa Urban Visayas at Urban Mindanao, maging sa PHINTAM (Combined Urban & Rural Areas nationwide), Total Visayas, at Total Mindanao.
Comments
Post a Comment