Bagong manager na! Carla Abellana, iiwan na rin ba ang GMA?

In-update na ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang kaniyang bio sa Instagram.

Saad ni Carla sa kaniyang bio, "Contact @allaccesstoartists.ph @jacquicara @nikkivillegas for work inquiries!"

Mula sa Luminary Talent Management na pinamumunuan ni Popoy Caritativo, lumipat na ang aktres sa All Access to Artists (AAA) na talent agency na pinamumunuan ni Direk Mike Tuviera.

Ang Luminary ang humawak noon sa career nina Dennis Trillo at Marian Rivera. Si Dennis ay nasa Becky Aguila Management na ngayon habang si Marian naman ay matagal na ring lumipat sa AAA.

Ang career ngayon ni Carla ay iha-handle na nina Jacqui Cara, isang celebrity manager at Head of Operations ng AAA, at ni Nikki Villegas na dating talent coordinator ng TAPE Inc. at ngayon ay road manager sa AAA.

Karamihan ng talents ng AAA ay nasa TV5 at BuKo channel na ngayon kaya malaki ang posibilidad na gumawa ng projects ang aktres sa ibang network.

Huling napanood ang aktres bilang si Mary Ann Armstrong ng Voltes V: Legacy ng GMA-7.

Mapapanood pa rin si Carla sa Kapuso Network dahil may upcoming project pa s'ya na Stolen Life, kung saan makakasama n'ya sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez.

Comments