"Wrapping up Stolen Life with a bang. How I feel at 1:15am with only half of the scenes done at taping and another half to go," caption ni Carla sa pinost na photo.
Ang unang napabalita ay July this year ang airing ng Stolen Life na muling pagtatambalan nina Carla at Gabby Concepcion na unang nagkasama sa Because of You.
Makakasama nina Carla at Gabby si Beauty Gonzales.
Hindi nasunod ang schedule dahil na-extend ang Abot-Kamay na Pangarap kaya hindi magalaw ang time slot na 'yun.
Pero kailangang umere na ang GMA Afternoon prime series dahil eere na rin this year ang seryeng pagbibidahan naman nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Gabby na Against All Odds.
Hindi raw kasi pwedeng pagsabayin ang airing ng dalawang series ng isang artista hangga't maiiwasan.
Samantala, may mga umuugong naman na balitang iniwan na ni Carla ang dati n'yang manager na si Popoy Caritativo.
Hawak din kasi ng Luminary Talent Management ni Popoy ang ex-husband niyang si Tom Rodriguez at napapabalitang magbabalik showbiz na soon.
Pawang mga big star daw ang hawak na talents ng talent management na umano'y kaniyang lilipatan at may tsansang baka sa ibang network na mabigyan ng projects si Carla.
Nakakaaliw lang na tuwing "contract renewal season" ay lumalabas rin ang mga ganitong isyu ng lipatan.
Pero ang huling renewal ng network contract ni Carla ay noon pang January 31, 2019 at usually ay 3-year contract ang kaniyang pinipirmahan.
So, nangangahulugan itong expired na ang contract ng aktres last year pa at sinasabi ngang baka ang Voltes V: Legacy at ang Stolen Life na ang huling projects ni Carla sa network.
Ngayong malapit nang matapos ang taping n'ya para sa Stolen Life, siguradong anytime soon ay maisasapubliko na kung mananatili pa ba s'ya sa Kapuso Network o tuluyan nang lilipat sa ibang network.
Comments
Post a Comment