Sa first episode ng kaniyang Alden August month-long special para sa #MPK, gagampanan ni Alden ang role ng isang marathon runner na may kondisyong dystonia.
Ang dystonia ay isang movement disorder kung saan nagkakaroon ng involuntary muscle movements ang isang tao.
Kuwento ni Alden sa papel na kaniyang bibigyang buhay, "It just so happened na 'yung kanya, cervical so it really involves the spine.
"'Yun kasi 'yung parang isa sa pinaka-crucial na parts ng katawan natin, the spine, kasi nandiyan lahat eh–'yung balance, 'yung movement, mobility etc."
Bilang paghahanda sa kaniyang role, nakausap ng Kapuso actor si Jirome de Castro, ang taong isasadula niya ang talambuhay.
"Ang maganda lang dito sa story niya, despite his condition, marathon runner siya. I've never played a role with such condition. I was given a chance na makausap siya before we started taping," pagbabahagi ni Alden.
Makakasama ni Alden sa episode ang isa sa mga prime actress ng Kapuso Network na si Sanya Lopez na personal daw niyang ni-request na makapareha sa #MPK.
"Syempre, nakakatuwa. First time namin na magkatrabaho pero hindi niya pinaramdam sa'kin na first time," reaksyon ni Sanya sa pagpili sa kaniya ni Alden.
Dagdag pa ng aktres na dapat daw abangan ang ipapamalas na acting ni Alden sa episode.
"May mga intense na eksena, may mga iyakan, especially sa kaniya," paglalahad ni Sanya na gaganap naman bilang supportive wife ni Jirome na si Geraldine.
Abangan ang natatanging pagganap ni Alden Richards sa brand new episode na "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," August 5, 8:15 p.m. sa #MPK.
Huwag ding palampasin ang iba pang episodes ng Alden August month-long special ng #MPK, every Saturday this month, pagkatapos ng Battle of the Judges.
Comments
Post a Comment