Truth will prevail: Kasong isinampa laban sa TAPE Inc sa NLRC, ibinasura!

Ibinasura na ng National Labor Relations Commission (NLRC) ang inihaing reklamo ng siyam na independent contractors laban sa Television and Production Exponents, Incorporated (TAPE Inc).

Bigong magpakita ang siyam na independent contracts na nagrereklamo ng katunayan na nakapag-render nga sila ng overtime, na nagtrabaho sila ng holiday, at nagtrabaho sa gabi.

Tungkol naman sa inireklamong 13 month pay, lumalabas na nabayaran naman ng TAPE Inc ang mga ito.

Fully aware din daw ang mga nagreklamo sa mga kahihinatnan ng kanilang resignation, kaya walang basehan ang kanilang inihaing reklamong illegal dismissal gayong sila naman ang boluntaryong nag-resign sa kumpanya.

Ang siyam na independent contractors na ito ang ilan sa mga biglaang nag-resign sa TAPE at sumama sa paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon (TV), sa TV5 upang gumawa ng bagong TV show.

Samantala, dahil sa hindi inaasahang pag-alis ng mga nagreklamo kasama ng ilan pang mahahalagang officer kabilang ang mga direktor, mga writer, executive producers, at sales personnel ay nakapagdulot ito ng matinding pagkaabala sa operasyon ng Eat Bulaga.

Dahil dito, hindi nakapag-ere ng palabas ang TAPE Inc. sa loob ng apat na araw mula May 31, 2023 hanggang June 3, 2023. Ito ay nagresulta sa malaking pagkalugi at kasiraan sa imahe ng kumpanya sa mga manonood ng programa, mga kliyente, advertisers, at mga katuwang na ahensya.

Naglabas naman ng pahayag ang TAPE Inc. sa pamamagitan ng legal counsel nito na si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

"TAPE felt vindicated.

"From the start, TAPE is for the employees. That was the reason why they continued to air Eat Bulaga sans TVJ and other key employees who went with them for their new show at TV5.

"TAPE thought of the 200 employees left who will have no work if they did not continue the show.

"This as a prelude, I hope truth will start to come out."

Comments