Isang pangmalakasang plot twist na naman ang nakatakdang maganap soon sa Philippine TV.
Noong nakaraang taon, gumulat sa mga manonood ang pag-oberdabakod ng Kapamilya noontime show sa GTV, na sister channel ng GMA na matinding kakompitensya noon ng ABS-CBN.
Nangyari ang oberdabakod na ito dahil hindi na ni-renew ng TV5 ang blocktime agreement ng Showtime sa Kapatid network, para mabigyan ng timeslot ang bagong noontime show ng mga nag-resign na hosts ng Eat Bulaga sa TAPE Inc.
Sunud-sunod rin ang mga nangyari at mangyayari pang plot twists sa Philippine television.
Nito lang Marso, gumulat naman sa mga Kapuso viewers nang biglaang nagpaalam sa ere ang TAPE-produced noontime show na "Eat Bulaga," na kalaunan ay pansamantalang naging "Tahanang Pinakamasaya," matapos pumanig ang Marikina RTC pabor sa mga dati nitong hosts.
Ilang buwan ding nag-suffer ang show bago tuluyang nagkasundo ang GMA at TAPE na wakasan na nga ang pag-ere ng noontime show.
Pansamantala itong pinalitan ng Lunchtime Movie Hits, kung saan ipinapalabas ang ilan sa mga blockbuster Pinoy movies. Temporary lang ito habang inihahanda pa ang permanenteng papalit sa iiwang timeslot ng TAPE Inc.
The Problem
Napakasimple lang ng pinag-ugatan ng problema ng TAPE, ang pagsadsad sa ratings ng Eat Bulaga mula May hanggang December 2022.
Nagkabaun-baon sila sa utang pero ninais pa rin nilang isalba ang show para sa mahigit dalawang daan nitong empleyado.
Ang suliraning ito ng TAPE ay sinabayan pa ng sabay-sabay na pagreresign ng mga dati nitong hosts.
And the rest is history.
Kalaunan ay maging ang titulong "Eat Bulaga" ay nawala rin sa TAPE.
Ang Dapat na Kapalit
Nakarating din sa amin ang kuwentong ang It's Showtime talaga ang first option ng GMA sakaling hindi makapag-produce ang TAPE ng show dahil sa pag-alis ng mga host ng Eat Bulaga noong May 31 noong nakaraang taon.
Pero dahil sa magandang samahan ng GMA, particularly ng Gozon family, sa TAPE, pinagbigyan ng Kapuso executives ang TAPE na i-keep ang kanilang noontime slot.
Sa loob lang ng tatlong araw ay naipagpatuloy kaagad ng TAPE Inc. ang Eat Bulaga with new hosts.
Bigla nga lang nagbago ang ihip ng hangin sa pagpasok ng bagong CEO ng GMA. Patunay rito ang official statement ng GMA, matapos matalo ang TAPE Inc sa kasong isinampa laban sa kanila.
Nilinaw kasi ng GMA na "merely complying with its contractual commitments under its airtime agreement with co-defendant TAPE" at sinabi umano ng korte na "mere nominal party" lang daw ang GMA sa kasong isinampa ng TVJ.
Sa puntong ito, tila mas pinroteksyonan na ng GMA ang kanilang imahe kaysa samahan ang TAPE sa laban sa pagbawi ng Eat Bulaga trademark.
Pero hindi natin alam, baka may iniwan pa ring espasyo ang GMA para sa TAPE.
It's Showtime sa GMA?
Mag-iisang taon na mula nang unang umere sa GTV ang It's Showtime.
At sa pagtatapos ng unang taon nito, mukhang lulundag na ito sa Kapuso Network anytime soon.
Sa totoo lang, history keeps repeating sa GMA.
Noong Dekada '80, magkalaban sa timeslot ang Student Canteen (GMA) at Eat Bulaga (ABS-CBN).
Pero noong 1995, isinara ng ABS-CBN ang kanilang pintuan sa TAPE Inc na producer ng noontime show na Eat Bulaga, Valiente, Okay Ka Fairy Ko, at marami pang iba.
Binuksan naman ng GMA ang kanilang pintuan para sa TAPE at mula noon ay naging tahanan na ang GMA ng mga palabas ng TAPE sa mahigit na 28 na taon.
Kapareho nito ang kapalaran ng ABS-CBN, matapos mawalan ng prangkisa, ang GMA din ang nagbukas ng pintuan para sa kanila.
Comments
Post a Comment