Mahigit apat na buwan nang sabihin ng kampo ni Joey de Leon na "deemed registered" na raw umano sa kanila ang "Eat Bulaga" tardemark, hindi pa rin ipinapakita sa publiko ang kaniyang certificate of registration para sa naturang trademark.
Matatandaan na noong Enero 5 ay naglabas ng desisyon ang Marikina RTC hinggil sa copyright infringement case inihain nina Ferre at ng TVJ laban sa GMA Network at TAPE Incorporated.
Pumanig ang lower court sa TVJ at kay Ferre at inutusan ang TAPE Inc. na huwag nang gamitin ang titulong "Eat Bulaga." Iniutos rin ng korte sa Intellectual Property Office (IPO) na bawiin na ang trademark registration ng TAPE.
Pero sa kasalukuyan, nakasaad pa rin sa IPO database na rehistrado pa rin sa TAPE Inc. ang naturang trademark.
Samantala, pending pa rin ang status ng trademark application ni De Leon para sa NICE classification #41.
Makikita rin sa database ng IPO na muling naghain si De Leon ng application para sa "Eat Bulaga" trademark nito lang Enero 26. Ito ay para naman sa NICE classifications 16, 18, 21, 25, na kapareho ng NCL ng "Eat Bulaga" trademark na kasalukuyang hawak pa rin ng TAPE.
Comments
Post a Comment