Maswerteng napili kanina sa G sa Gedli si Kuya Rey na nagluluto at nagbebenta ng fried chicken sa West Crame sa San Juan City.
Ibinahagi ni Kuya Rey kina Yorme Isko Moreno at Goddess of noontime show na si Arra San Agustin ang mga pinagdaanan niya sa buhay.
Sa sobrang hirap ng buhay, hindi na sya nakapag-aral at kung anu-anong trabaho na ang kaniyang napasukan para lamang kumita ng pera.
Nag-iipon din si Kuya Rey para may maibigay sa kaniyang anak na inilayo at itinago umano sa kaniya ng kaniyang biyenan, sakaling muling magkrus ang landas nilang mag-ama.
Naikwento rin ni Kuya Rey na hindi na niya nakita pa ang kaniyang ama at iba pang mga kapatid dahil binenta siya umano ng kaniyang ama sa isang taga-Tondo.
Mabuti na lang ay may mga noontime show kagaya ng Tahanang Pinakamasaya na handang tumulong sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayong lahat!
Comments
Post a Comment