Nitong mga nagdaang araw ay kumalat sa social media ang rumor na magbabalik na umano ang ABS-CBN sa dati nitong channel na okupado na ng ALLTV ni Manny Villar.
Agad namang winakasan ng mga ehekutibo ng ABS-CBN ang mga kumalat na mga haka-hakang ito na nanggaling sa mga avid Kapamilya supporters.
Sinabi ng top management ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado na wala nang intensyon ang ABS-CBN na magtungong muli sa Kongreso para humingi ng prangkisa.
Sa isa umanong internal memo, malinaw na sinabi nina ABS-CBN Carlo Katigbak at COO Cory Vidanes na, "There are no plans to apply for another broadcast franchise."
Ayon sa isang source, masaya na raw ang ALLTV sa kasalukuyan nitong content partnership with ABS-CBN.
Nagsimula ang mga ganitong haka-haka nang magtalumpati si Katigbak at Vidanes sa Christmas party ng ABS-CBN kung saan sinabi nilang ang 2024 umano ang magiging "best year" nila mula nang i-reject ng Kongreso ang kanilang franchise renewal application.
Inihayag din ng mga big boss ng Kapamilya network na wala umanong "simple solution or quick fix" para sa problemang pinansyal ng ABS-CBN sa loob ng isang taon.
Nilinaw nila na sila ay umaasa na gumanda na ang lagay ng kumpanya dahil sa kanilang strength sa storytelling, mga natatanggap na suporta mula sa mga advertiser, at ang magagandang partnership sa mga platform provider.
Comments
Post a Comment