Anti-scam campaign ng GMA at BPI, finalist sa Cannes!

Lumikha ng kasaysayan ang Bank of the Philippine Islands (BPI) at GMA Network, Inc. (GMA) dahil sa Anti-Scam Campaign nito na prinodyus ng GMA New Media Inc. (NMI). Ang BPI rin ang kauna-unahang bangko sa Pilipinas na pinarangalan sa buong kasaysayan ng Cannes.

Kinilala ang “Maging Listo, Huwag Magpaloko” (Be Vigilant, Don´t Be Deceived) anti-scam advocacy bilang isa sa mga Finalist sa kategoryang A3-Informational Films and Explanatory Videos sa ika-14 na edisyon ng award-giving body ngayong 2023 na ginanap kamakailan lang sa Cannes, France.

“We are delighted that our anti-scam campaign has been recognized as world-class. BPI is committed to raising more awareness about the importance of cybersecurity, and this recognition will only inspire us to strengthen our efforts to communicate key messages that help build a better Philippines,” sabi ni Cathy Santamaria, BPI Chief Customer and Marketing Officer.

“It is a great honor to be among the best creative works across the globe,” sabi naman ni Angela Javier Cruz, GMA Network’s Vice President and Head for Corporate Affairs and Communications. 

“This recognition mirrors BPI’s extensive research, GMA NMI’s creative storytelling, and the craft of our incredible Sparkle artists. We are committed to equipping Filipinos with trusted information through exceptional narratives—and this is only the beginning of more advocacy work from our corner in the world.”

Layon ng anti-scam advocacy na magpalaganap ng awareness at kaalaman tungkol sa mga online scam at social engineering scheme, gayundin na maimpluwensyahan ang banking clients na 'wag i-share ang kanilang One-Time Pins (OTPs), passwords, at ang tatlong digit sa likod ng kanilang card.

Ayon sa ulat ng Kaspersky Security Network nitong 2022, ang Pilipinas ang ikalawa sa buong mundo na pinakatalamak ang web threats mula January hanggang December 2022.

Ayon sa ulat, kabilang sa most preffered attack methods ng mga hacker ay social engineering schemes. Makikita rin sa ulat ng Kaspersky na ang Pilipinas ay kabilang sa top five countries na may pinakamaraming phishing attacks (52,914 incidents) sa Southeast Asia nitong 2022.

“When bank clients fall victim, they suffer losses that are rarely recovered. Thus, there is a palpable need to educate the banking public about these scams–how to identify and avoid them. Through dramatized videos and creating relatable characters, we wanted a story that resonates and makes the Filipinos vigilant against scams,” ani Santamaria.

“Data security is a major concern, particularly in our industry where the success of our business depends on the protection of our digital information. With the increasing frequency of hacking and online scams in recent times, NMI is pleased to contribute to public awareness regarding how to safeguard themselves, with the help of BPI's dedication to cybersecurity and GMA's extensive reach,” dagdag ni Dennis Augusto L. Caharian, GMA New Media, Inc. President and Chief Operating Officer.

Ang Serye

Nitong May 2023, nakipag-partner ang BPI, ang kauna-unahang bangko sa Pilipinas at sa buong Southeast Asia, sa GMA, ang pinakamalaki at pinakapinagkakatiwalaang media organization sa Pilipinas, at sa digital media and technology arm nito na GMA NMI, na maglunsad ng serye ng cybersecurity videos.

Naglalaman ang video ng tatlong magkakakonektang kuwento na may mga karakter na madaling makaka-relate ang mga manonood– isang middle-aged couple, isang gamer, at isang influencer–na nagpapakita ng social engineering at scamming attacks na nangyayari sa totoong buhay.

Ine-emphasize sa mga video ang kahinaan ng mga tao at iniimpluwensyahan ang makakapanood na maging mapagmatyag para makaiwas sa mga scam.

Binigyang-buhay ng mga magagaling na artista ng Sparkle ang mga karakter na ito – sina Betong Sumaya, Mae Bautista, Martin del Rosario, at ang phenomenal love team nina Barbie Forteza at David Licauco.

Nakapaloob sa tagline nito na "Maging Listo, Huwag Magpaloko" ang mensahe ng kampanya na pagpapalawig ng kamalayan at pagbibigay-kapangyarihan sa mga manonood na protektahan ang kanilang sarili laban sa mga scam.

Ang mga eksena ay hango sa mga kwento ng mga aktwal na mga tao at masusing sinaliksik.

“Our strategy to partner with GMA Network allowed us to push the message to a wider audience and not just rely on online presence,” sabi ni Santamaria.

Mula pa noong 2010, binibigyang-parangal ng Cannes Corporate Media & TV Awards ang pinakamagagaling na corporate films, online media productions, documentaries sa buong mundo na idinadaos sa isa sa mga pinakamahalagang film centers-ang Cannes, France.

Ito lang ang nag-iisang festival para sa mga corporate films na ginaganap sa siyudad na kilala sa feature films at advertising productions.

Ngayong taon, halos 900 submissions mula sa mahigit 45 na bansa ang natanggap ng Cannes Corporate Media & TV Awards.

Comments