Sinabi ng legal counsel ng TVJ Productions na naghahanda na sila sa pag-file ng panibagong kaso laban sa Television and Production Exponents (TAPE) Inc. na may kinalaman sa "Eat Bulaga" YouTube channel.
Kamakailan lang ay inanunsyo ng TAPE na nabawi na ng kumpanya ang access sa naturang channel, na ilang buwang inactive mula nang umalis sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang dating "Eat Bulaga" hosts noong Mayo.
Sa isang pahayag, sinabi ni Dela Cruz na nababahala umano ang TVJ Productions at sinabing wala daw access ang TAPE noon sa YouTube channel ng "Eat Bulaga."
"The owner of the YouTube channel is the owner of the email used to register it. It is not TAPE. That is why they never had access to this account," ani Dela Cruz.
"This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube," dagdag pa ng abogado ng TVJ Productions.
Sinabi rin ni Dela Cruz na ang mga content ng channel ay past episodes ng "Eat Bulaga" na pag-aari umano ng TVJ ang copyright.
"The content of that YouTube account are past episodes of ‘Eat Bulaga.’ The copyright of the show and its episodes belong to TVJ.
"We are preparing the appropriate legal action. This may constitute a cyber crime if they hacked into the account or made misrepresentations to YouTube," ani Dela Cruz.
Samantala, itinanggi naman ng legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Abraham-Garduque na hinack ng kumpanya ang account at hindi sila maaaring kasuhan ng cybercrime dahil dito.
"TAPE did not hack the account. TAPE will never do such a thing. Thus, it is not liable for cybercrime," sagot ni Atty. Maggie sa akusasyong pag-hack sa "Eat Bulaga" YouTube channel.
"Being the owner of the account, TAPE was able to coordinate with YouTube to change the email and the password and the new contact person in behalf of the company," dagdag pa ng abogado ng TAPE Inc.
Ayon sa TAPE, ang gumawa ng naturang account ay dati nilang employado noong nagtatrabaho pa ito sa kumpanya at ginawa ang account sa ngalan ng kumpanya.
"The person who made the account was an employee of TAPE when she made the account and she made the YouTube account in behalf of TAPE Inc.
"TAPE Inc. is ready to show the official receipts from YouTube stating that it is the one which spent to create the account. The bank account linked to the YouTube account is likewise owned by TAPE Inc," anang legal counsel ng TAPE.
Comments
Post a Comment