Selective justice daw! Ronnie Liang, may reaksyon sa pagpataw ng MTRCB ng suspension sa 'It's Showtime'

May opinyon ang singer at army reservist na si Ronnie Liang hinggil sa ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na 12-day suspension sa Kapamilya noontime show na "It's Showtime."

"Unanimous" ang desisyon ng mga miyembro ng MTRCB na patawan ng 12-day suspension ang naturang noontime show dahil umano sa mga paglabag ng programa, kabilang na ang umano'y "indecent act" ng real-life partners na sina Vice Ganda at Ion Perez sa segment nilang "Isip Bata" noong July 25, 2023.

Nagbigay ng opinyon si Ronnie ukol sa mainit na isyu sa pamamagitan ng X (dating Twitter) noong September 12.

Ayon sa singer, para daw selective justice ang pinaiiral ng MTRCB dahil hindi daw umano ito consistent sa pagpapatupad ng guidelines.

Kuwestiyonable rin daw ang mabilis na pag-aksyon ng ahensya sa violation ng It's Showtime, gayong mas marami namang katulad o mas malala pang eksena sa ibang programa at palabas na ipinagkibit-balikat lang daw ng MTRCB sa mga nagdaang panahon.

Saad sa post ni Ronnie, "Here's my honest opinion about the MTRCB issue with Showtime.

"The MTRCB, as the regulatory body, should give clear and consistent guidelines or parameters for acceptable content.

"In this case, they quicly suspended Showtime because Vice Ganda was seen licking icing off his co-host and partner Ion Perez's fingers.

"However, there were similar or worse situations on other shows that were not addressed with that same urgency or attention.

"This inconsistency raises questions about their decision-making. Parang selective justice. Sorry po, pero ganun ang impression."

Nagbigay rin ng reaksyon si Ronnie tungkol sa posisyon ni Lala Sotto bilang chairperson ng MTRCB, at sa relasyon niya sa mga host ng "E.A.T.," ang rival program ng "It's Showtime."

Si Lala ay anak ni dating Senator Tito Sotto at pamangkin ni Vic Sotto, na parehong producer at host ng "E.A.T."

Malaking factor daw ang posisyon ni Lala, ayon kay Ronnie, kung bakit maraming netizens ang hanggang ngayon ay nagdududa sa pagiging patas ng MTRCB sa pagpapataw ng parusa sa mga paglabag.

Pagpapatuloy ng singer, "Chair Lala Sotto's ties to a rival show of Showtime have sparked concerns about fairness within the board.

"Even though Chair Sotto claimed to have abstained from the suspension order, her presence as the head of the MTRCB and her close family connections to the showbiz industry cast doubt."

Inihambig pa ni Ronnie ang posisyon ni Lala sa isang basketball referee, kung saan ang kaibigan o kapamilya nito ang isa sa mga player.

Dahil nga may mga kamag-anak at kaibigang sangkot sa isyu, mahirap daw para sa karamihang tingnang patas ang naging desisyon ng ahensya.

"It's like having a referee in a basketball game who's best friends with one of the players – it just doesn't feel right.

"People expect regulatory bodies to be impartial.

"Kapag may koneksyon ka sa industriya na nireregulate mo at kapamilya mo mismo, mahirap para sa iba na tingnan ka na neutral. [Peace sign] uli."

Nilinaw ni Ronnie na wala raw siyang personal na isyu kay Lala pero suhestiyon niyang dapat ay iba na ang mamuno sa MTRCB.

Ito ay upang matuldukan na ang haka-haka tungkol sa ahensya pagdating sa conflict of interest, fairness, at iba pa.

"If conflicts of interest persist and the public sees the MTRCB as being affected by personal relationships, it could tarnish the board's reputation and credibility.

"They must be perceived as fair and trustworthy.

"I have no personal issues with Chair Sotto, but someone else should lead the MTRCB.

"Clarity, consistency, and avoiding conflicts of interest will help maintain the MTRCB's reputation and prevent public backlash."

Hirit pa ni Ronnie, "#justiceandfairness."

Comments