Anila, tina-target umano ng MTRCB ang mga noontime shows na katapat ng "E.A.T.," kung saan isa sa mga host ang kaniyang ama na si dating Senate President Tito Sotto.
Mariin naman itong pinabulaanan ni Lala.
Aniya, "No, that is not true."Siguro, natural lang naman sa mga supporters ang maging ganun ang pakiramdam kasi, siguro, naririnig nila na parating nari-report.
"But hindi po kasalanan ng MTRCB ang violations na ginagawa nila."
Matatandaan naman sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Lala na sinabi niyang napansin daw ng kanilang monitoring team na nagkaroon din umano ng violation ang "Eat Bulaga" ng TAPE Inc noong pinigilan daw ang TVJ na umere nang live.
"Immediately, the monitoring inspection unit observed that violation," ani Lala.
Noong May 31 ay nagpalabas ang TAPE Inc ng replay episodes ng "Eat Bulaga" dahil nakatanggap daw ng balita ang management na nasa studio daw si Tito para sa isang BIG announcement.
Gagamitin umano ang programa upang ihayag nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang kanilang pagkalas sa TAPE Inc.
Paliwanag naman ng anak ni Tito, ang alam daw kasi ng MTRCB ay live ang ipalalabas ng "Eat Bulaga!," ngunit replay lang ang kanilang ipinalabas.
"Alam namin it was supposed to be a live show dito sa MTRCB. Ang permit to exhibit nila ay live, pero they chose to replay," paliwanag ni Lala.
Ang katanungan dito, malaking violation nga ba ang pag-eere ng lumang episode imbes na live?
Paano kung maantala ang produksyon at walang paraan para makapagpatuloy ng live? Bawal pa rin ba ang magpalabas ng replay episode?
Paano kung na-preempt ang show dahil sa breaking news o important broadcast mula sa MalacaƱang?
Isa pa, aprubado naman na at "rated" na ng MTRCB ang mga lumang episode kaya wala naman sigurong masama o malaking kasalanan ang Eat Bulaga.
Bakit kaya tila mainit ang mata ng MTRCB chairperson sa Eat Bulaga at sa It's Showtime?
Kung kayo ang tatanungin, dapat na bang mag-resign si Lala bilang chairperson ng MTRCB?
Comments
Post a Comment