Iginigiit ng bashers ng GMA-7 at mga solid TVJ fan na 1981 lang daw nagka-TAPE pero 1979 pa daw ang Eat Bulaga.
Pero sino nga ba talaga ang orihinal na producer ng Eat Bulaga noong 1979?
Inaasahan na sa simula pa lang na magiging mahirap ang paggawa ng isang noontime show.
Sa "Eat Bulaga: Unang Tatlong Dekada," isang coffee table book na inilathala para ipagdiwang ang ika-30 anibersaryo ng program, binanggit ng author at veteran entertainment journalist na si Butch Francisco ang nakakahiyang rating ng Eat Bulaga sa unang buwan nito sa ere.
Nakapagtala ang Eat Bulaga na ipinapalabas noon sa RPN-9 ng 5.2% laban sa 57.6% ng Student Canteen ng GMA-7.
Producer ng Eat Bulaga noon ang Production Specialists Inc. (PSI) na pagmamay-ari ni Romeo Jalosjos at beteranong sportscaster na si Dick Ildefonso.
Saad ni Francisco, "The show's advertising rates were reduced from the standard P2,000 to a really low P750 (payable after 30, 60, or even 90 days) or at an even lower P500 on PBB (pay before broadcast) terms."
Ikinwento rin ni Francisco na dahil hindi kumikita ang Eat Bulaga na pinagbibidahan ng TVJ, kinailangan pang bawasan ang kinikita ng PSI mula sa PBA.
At habang umuusad ang show, nahirapan na ang PSI na bayaran talent fees ng mga host at umasa naman sa bale ang mga production staff.
"Since Eat Bulaga was not generating revenues, it had to be subsidized by income from the PBA…but even then, the people still felt the pinch. The hosts were not paid their talent fees and the staff managed to get by only through cash advances," ani Francisco.
Disyembre noong 1979, may kaunting improvement sa ratings–naka-20 percent na ang Eat Bulaga laban sa 44 percent ng Student Canteen.
Pero hindi pa rin daw sapat ang kinikita noon ng Eat Bulaga kahit bahagya nang tumaas ang ratings. Lalong lumubog ang PSI at patuloy na nalulugi.
Sabi ng dating presidente at CEO ng TAPE na si Tony Tuviera, nagsimula na rin daw kainin ng Eat Bulaga ang kita at puhunan ng PSI.
"It came to a point where we were garnished by the bank because we had a lot of debts at the time," ani Tuviera.
Kapag sinabing "garnished by the bank," ibig sabihin nito ay hindi na pinapayagan ng bangko ang kumpanya na ma-access ang mga account ng PSI na ginagamit para mabayaran ang mga supplier at mga taong kailangang bayaran ng kumpanya.
"So Mr. Jalosjos and I agreed. He said, ‘Get out. Form a company. If (Eat Bulaga) doesn’t rate in the next six to seven months, we’ll just close it down.’," paglalahad ni Tuviera.
Pero maswerte pa rin si Jalosjos at Tuviera dahil may himalang nangyari.
Naging hit kasi ang bagong segment na "Mr. Macho," isang male beauty pageant na dinevelop para tapatan ang isang sikat na female beauty pageant ng Student Canteen.
Ang Mr. Macho ay nilikha ng head writer noon ng PSI na si Vincent Dy Buncio.
Isang araw noong October 1980, natalo ng Eat Bulaga sa kauna-unahang pagkakataon ang Student Canteen.
Naka-31 percent ang Eat Bulaga, habang 29 percent naman ang nakuha ng Student Canteen.
"For the very first time," ayon kay Francisco, "Eat Bulaga! was able to topple Student Canteen in the race for noontime supremacy."
Nanalo nga sila minsan sa ratings, pero hindi pa rin maganda ang pinansyal na sitwasyon ng palabas.
Noong na-incorporate ang TAPE noong 1981 para isalba ang Eat Bulaga, patuloy pa ring palabas ang pera at walang kinikita ang kumpanya.
Source: A Thousand and One Laughs: This Is The Story of Eat Bulaga!
Comments
Post a Comment