Lala Moves: MTRCB, puntirya naman ang Eat Bulaga?


Lumabas ngayong araw sa pahayagang Abante ang balitang nagkaroon umano ng paglabag ang 'Eat Bulaga!' ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE) ayon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang violation umano ay noong pinigilan daw ng TAPE na mag-live sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang Dabarkads noong May 31.

Nakakapagtaka lang kung bakit mahigit 2 buwan na ang nakalilipas ay ngayon lang ito isinapubliko.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay MTRCB chairperson Lala Sotto, anak ni E.A.T. host Tito Sotto, sinabi nito na kaagad daw napansin ng kanilang monitoring team ang violation ng naturang noontime show.

"Immediately, the monitoring inspection unit observed that violation," ani Lala.

Paliwanag pa ng anak ni Tito, ang alam daw kasi ng MTRCB ay live ang ipalalabas ng "Eat Bulaga!," ngunit replay lang kanilang ipinalabas.

"Alam namin it was supposed to be a live show dito sa MTRCB. Ang permit to exhibit nila ay live, pero they chose to replay," dagdag pa ni Lala.

Noong May 31 ay matatandaan na replay ang ipinalabas ng TAPE sa 'Eat Bulaga' dahil nakatanggap daw ng balita ang management na nasa studio daw si Tito para sa isang "big" announcement.

Day off kasi daw dapat ni Tito noong araw na 'yun, ayon sa mga production staff ng programa.

Samantala, matatandaan din na ginamit din nina Tito, Vic, at Joey (TVJ) ang Eat Bulaga upang maglabas ng hinaing sa kanilang management noong March 4.

Sa episode na 'yun rin unang binanggit ang katagang "Legit Dabarkads" na terminong ginagamit ngayon ng mga E.A.T. hosts sa TV5.

Kaya naman ang tingin ng marami ay planado ang mga pangyayari dahil na rin sa biglang pagpaparehistro ng TVJ ng Eat Bulaga trademark sa Intellectual Property Office of the Philippines (IPOPHL) noong February 27, 2023.

Ang katanungan pa dito, malaking violation nga ba ang pag-eere ng lumang episode imbes na live?

Paano kung maantala ang produksyon at walang paraan para makapagpatuloy? Bawal pa rin ba?

Paano kung na-preempt ang show dahil sa breaking news o important broadcast mula sa MalacaƱang?

Isa pa, aprubado naman na at "rated" na ng MTRCB ang mga lumang episode kaya wala naman sigurong masama o malaking kasalanan ang Eat Bulaga.

Bakit kaya tila mainit ang mata ng MTRCB chairperson sa Eat Bulaga at sa It's Showtime?

Kung kayo ang tatanungin, dapat na bang mag-resign si Lala bilang chairperson ng MTRCB?

Comments