Bago pa man nawala sa free TV ang bigatin nitong kakompitensya noong 2020, hirap nang tapatan ang mga programa ng Kapuso Network dahil nakatatak na sa utak at puso ng mga Pilipino na kapag gawang-GMA ay siguradong dekalibre at dekalidad.
Pero hindi lang ang magagandang content nito ang dahilan kung bakit tinatangkilik ng masa ang Kapuso Network.
Ang GMA Network lang naman kasi ang pinakamalaking television network ngayon sa Pilipinas.
With 100 TV stations at 21 radio stations na pinapatakbo, naaabot na ng GMA ang 78 million viewers sa Total Philippines ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement (TAM) mula Enero hanggang Disyembre 2022.
Ang tagumpay na ito ay hindi ginawa overnight. Sa pamamagitan ng dedikasyon sa trabaho ng mga bumubuo ng GMA Engineering, lalong lumakas at tumibay ang signal ng mga transmitter ng Kapuso Network.
Balikan natin ang ilang bahagi ng kasaysayan ng GMA Network sa feature na ito:
1951
Binutingting ng American war correspondent na si Robert Stewart ang isang lumang transmitter at nagpadala ng unang static-marred newscast mula sa AM station na DZBB mula sa ika-4 na palapag ng Calvo Building sa Escolta, Manila.
1961
Nagsimula ang operasyon ng RBS TV Channel 7 (dating GMA-7) na may 25 empleyado, isang transmitter, at dalawang lumang camera.
1975
Pinalitan ng bagong management nina Felipe L. Gozon, Gilberto M. Duavit, at Menardo Jimenez si Robert Stewart, bumili ng mga bagong kagamitan, gumawa ng mga bagong programa, at pinalitan ang pangalan bilang GMA (Greater Manila Area) Radio Television Arts.
1988
Pinasinayaan ng GMA ang Tower of Power. Sa taas na 777 feet, ito ang pinakamataas na man-made structure sa Pilipinas na mayroong 100-kilowatt power transmitter.
1992
Pinasinayaan ng GMA ang Rainbow Satellite. Sa pamamagitan nito, napapanood na simultaneosly ang mga programa ng GMA sa buong bansa at maging sa mga katabing Southeast Asian countries.
1995
Ang GMA ang unang gumamit ng Electronic News Gathering (ENG) vans na may kakayahang mag-live at video playback sa pamamagitan ng microwave link na nasa loob ng sasakyan.
1997
Katuwang ang 8-group consortium at Mabuhay Philippines Satellite Corporation, matagumpay na napalipad ang kauna-unahang Philippine satellite na Agila II.
2009
Namuhunan ang GMA sa pagpapalakas ng mga transmitter facility at in-upgrade ang mga studio facility ng mga originating stations sa Dagupan at Davao, at nilagyan din ng live ENG capability.
2017
Inanunsyo ng GMA ang mga karagdagang pamumuhunan sa mga pasilidad ng transmitter kabilang ang 3 high-powered transmitter na may antennae at connectivity requirements, kasama ang isang fully-mirrored head-end system.
2021
Naglaan ng mahigit P20 bilyon ang GMA Network para sa capital expenditures (CAPEX) budget at content cost nito para sa 2021 hanggang 2023.
Saklaw nito ang patuloy na pagpapalawak ng digital terrestrial television (DTT) reach nito at iba't ibang proyekto sa mga rehiyon para higit pang palakasin ang presensya ng GMA sa buong bansa.
2023
Sa ngayon, GMA ang pinakamalaking Network na may 101 TV sations at 21 radio stations sa buong kapuluan. Nanatili itong most-watched, most trusted, at most-awarded Network sa bansa.
Maituturing na sikreto sa tagumpay ng GMA Network ang ilang dekadang pamumuhunan sa magagaling na engineers at magagandang transmitters, na sinabayan pa ng lalong pagpapalawig at pagpapahusay ng mga departamento ng News, Public Affairs, at Entertainment.
Comments
Post a Comment