Exhibit B: "Wala kayong K mag-celebrate ng Eat Bulaga anniversary" - Tito Sotto

Mahigit isang linggo matapos ipalabas ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5 na "E.A.T.," muli na namang nagpakawala ng tirada ang dating "Eat Bulaga!" host na si Tito Sotto.

Sa isang text message na ipinadala ni Sotto sa isang news outlet noong July 10, sinabi niya na wala umanong karapatang mag-celebrate ang dati niyang employer na TAPE Inc. ng anniversary ng Eat Bulaga.

"Wala kayong 'K' na mag-celebrate ng 'Eat Bulaga' anniversary," maanghang na patutsada ng dating senate president.

Hirit pa nya, "Kami orig na may karapatan mag-celebrate.

"From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago.

"Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June itong mga bagitong hosts."

Hindi binanggit ni Sotto na naging bahagi ng sales department ng TAPE Inc. ang kasalukuyang President and CEO ng TAPE Inc. na si Jon Jalosjos.

Hindi n'ya rin sinabi na ang magkapatid na sina Bullet Jalosjos at Soraya Jalosjos ay board members noon kaya hindi sila nakikialam dati sa production.

None of them were there daw 44 years ago pero nanatiling may-ari ng TAPE Inc. sina Romeo Jalosjos at Tony Tuviera.

Wala pa ngang TAPE Inc. noong 1979 pero mayroon nang Production Specialists Inc. (PSI), na pagmamay-ari rin ng pamilya Jalosjos, na siyang unang producer ng noontime show.

Comments