Chika #12

Habang abala ang lahat ng staff ng produksyon ng isang palabas sa telebisyon (PST), may kababalaghang ginawa ang officer-in-charge (OIC) ng programa.

Ibinigay kasi ni OIC sa staff ang script na ipapasok sa teleprompter para basahin ng mga host.

Naglalaman ang script ng ikagugulat ng mga nanonood sa studio at sa telebisyon.

Ipinagbigay-alam ng mga staff sa kanilang employer (EMP) ang natuklasan nila kaya nagbigay ng utos si EMP na hindi muna sila mag-e-air ng live dahil balak umano ni EMP na pakiusapan muna ang mga host na magbibitiw (TVH).

Pero desidido na ang TVH dahil matagal na nilang napagplanuhan ang kanilang paglipat sa ibang istasyon.

It's now or never.

Nagmatigas si OIC at TVH kaya pinili nilang umere sa social media.

Isinulat nila ang script sa manila paper at nagsimula nang binasa ng mga host.

May mga nagsisigawan sa audience na ikinainis ni OIC at tinitigan nang masama. For publicity kasi ang naturang malaking announcement.

Todo kumpas si OIC. Nagbibigay ng instructions sa mga host na nagbabasa, kung babagalan o bibilisan. Parang conductor ng isang choir.

Nang matapos magbasa ang mga host, inutusan ni OIC na magyakapan ang lahat ng mga host for additional drama effect.

Umalis na sa stage ang grupo, pero ang nakakaloka ay kumain pa sila sa pa-catering ni EMP bago lumayas.

Comments